MABILIS na kinuha ni Eri ang cellphone tumipa ng mensahe: Good day! Sorry I fell asleep last night. Nga pala, wala akong social media accounts. Ram: Good day! It’s alright. Are you doing something? Eri: Uh, wala namang ginagawa. Nagpapahinga lang. Reply Sent! Ram: Alright. Eat your healthy snacks, ok? Eri: Aye, aye, Captain! Dalawang linggo, tatlo, hanggang sa mawala na siya sa bilang kung kailan nagsimula ang pagpapanggap niya. Mas naging close sila at ramdam na ramdam na niya na siya talaga ang kausap ni Ram kahit alam niya sa sariling kasinungalingan lamang niya iyon. “Do you like flowers?” tanong ni Ram sa kabilang linya. Nagtatawagan din sila sa tuwing wala siya o itong ginagawa. “I so like flowers! Kaya lang kasi allergic ako sa flo—” Natigilan siya sa sinasabi. “Oh, r

