FRANKLY speaking, if someone would know what Eri had done, she’d be known as a very delusional and bad girl. Her reputation will be tarnished. Hindi biro ang ginawa niyang pagpapanggap bilang ibang tao. Her other phone kept on ringing but she didn’t answer it. Her mom called her and she answered it. “Eri, sweetie, mag-commute ka na muna. Dumating kasi ang tita mo galing probinsya, namasyal muna kami saglit. Gagabihin na kami,” bungad nito. “O-Opo, mommy. Enjoy!” “Umuwi ka na, baka gabihin ka pa sa daan. Pinagluto na kita ng hapunan.” “O-Opo,” tila hinihingal na sambit niya. Hindi na niya hinayaan na makasagot pa ito at pinatay na ang tawag. Tumunog muli ang kanyang cellphone at aksidenteng nasagot ang tawag. “Opo, Mom, pauwi na po ako,” “Eri.” Napasinghap siya at nilayo ang cell

