Chapter 2

1341 Words
"Col, wala ka atang gana ngayon? Kailangan na nating mag practice ng mag practice, malapit na nating makalaban ang Equinox team." Sabi ni Garret kay Colleen habang nakasimangot. "Wala lang." Sagot ni Colleen. "Anong wala lang? Gusto mo ba resbakan ko yung kamag-anak ni Rochelle?" Inis na sabi ni Jericho. "Ang kulit nyo! Relatives nga lang sila ni Rochelle, ano naman kung nag yayakapan sila?" Sabi naman ni Rex. "Pwede kayang maging Family stroke?" Pagbibiro ni Garret. "Hindi ka na nakakatuwa Garret!" Inis na sabi ni Colleen. "Biro lan-" siniko ni Jericho si Garrett. "Mauna na nga ako! Bukas na lang." Sabay tayo ni Colleen. "Colleen, saan ka pupunta?" Tanong ng coach. "Uuwi po coach." Sabi ni Colleen. "Bukas na lang po." Dagdag nya at umalis na. *** Umiinom lang nang umiinom si Colleen sa isang bar malapit sa eskwulahan. Walang pumipigil sakanya, halos mawala na sa kaisipan si Colleen dahil sa kalasingan nito. Hindi ako mahal ni Rochelle! Baka totoo ang sinasabi ni Garret na may relasyon sya sakanyang kamag-anak. Yan lamang ang kanyang iniisip habang umiinom. "Col? Anong ginagawa mo." Tanong ng isang lalaki. Hindi ito maaninag ni Colleen dahil nahihilo na ito sa kalasingan. "Hindi mo ba nakikita? Umiinom ako! Tara Cheers!" Lasing na lasing na sabi ni Colleen. "Tama na yan! Tara na." Akmang bubuhatin na ng lalaki si Colleen pero nasusub ang mukha nito kay Colleen. Hindi man ito alam ni Colleen dahil sa kalasingan, pero ang lalaking ito ay unti-unti nang nahuhulog sa dalaga. Noong nalaman nyang hindi na ito makaimik dahil sa pagkahilo na dala ng alak. Dinala ng binata si Colleen sa sasakyan nito, wala mang sariling kotse, na maneho naman ng binata ang sasakyan ni Colleen. Gabi nang dumating sila sa bahay ni Colleen. "Tama bang magkagusto ako sayo, Col?" Tanong ng binata sa dalaga. "Pero, sana magustuhan mo rin ako." Bumaba ang binata para tawagin ang guard ng bahay nila Colleen, sinabihan nito na ipasok ng maayos ang dalaga at huwag sabihin kung sino ang nag uwi sakanya. "ANAK! gising na!" Pag-gising ng Ina kay Colleen habang nahihimbing na natutulog. "Mamaya na po! Ang aga pa." Pang iinarte ni Colleen. "Maaga na yan sayo? 8:30 na. May pasok ka pa." Galit na saad ng Ina. Nagulat si Colleen. "PO?" Tumingin ito sa relo. "Malalate ako!" Agad na pumunta ito sa banyo, hindi na ito naligo dahil siguradong malalate na sya. "Alis na ako ma!" Sabay takbo habang isinusuot ang butones ng uniform nito. "Kumain ka muna!" Pagpapaalala ng Ina nito. "Duon na lang po ako kakain ma! Salamat! Byee!" Pag papaalam nito at dumiretso na ng sasakyan. Hinahabol nya ang oras, mabilis syang nagpapatakbo, halos hindi na nya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag sya ay nadisgrasya. Nakarating ito sa eskwulahan ng 8:55, kumbaga sampung minuto sya nag maneho. Agad itong tumakbo papuntang silid-aralan. Nanginginig sya sa gutom habang binubuksan ang pinto. "Good morning, Andress." Pagbati ng guro. "Good morning." At umupo na sakanyang upuan. "Late ka." Sabi ni Tristan. "Hindi ba obvious?" Sagot ni Colleen. Bumulong si Tristan, pero hindi ito narinig ni Colleen. "May sinasabi ka ba?" Tanong ni Colleen. "Wala. Sabi ko lang, gutom na yung tiyan mo." Hindi namalayan ni Colleen na nagiingay na ang kanyang tiyan dahil sa gutom. "Wala to." Sagot ni Colleen. "Oh." Nagabot si Tristan ng biscuit. Nagdalawang-isip si Colleen kung kukuhain ba nya o hindi. "No thanks, busog ako." Sagot nito. "Naku, nahiya ka pa, sige na kuhain mo na mukhang kailangan na kailangan mo." Pagpipilit ni Tristan. Nagsalubong ang kilay ni Colleen. "Sabi kong ayaw ko." Pagpipigil ng galit ni Colleen. "Concern lang naman ako sayo e, gutom na gutom ka na di ka pa nakain. Pag ikaw nagkasakit, wala akong katabi dito." Sagot ni Tristan. "Salamat na lang sa concern mo, pero ayaw ko nga! Wag mo kong pilitin." Galit na saad ni Colleen. "Arte." Sa pagkakataon na iyon, narinig ni Colleen ang binulong ni Tristan. "Sinasabihan mo ba akong maarte?" Masama na ang tingin ni Colleen kay Tristan. "Hindi ah." Sagot nito. "Anong hindi? Narinig ko ang sinabi mo." Sigaw ni Colleen, narinig ito ng guro. "Andress, Vasquez. Ano ang nangyayari?" Tanong ng guro. "Wala po maam." Sagot ng dalawa. Nanahimik ito, hindi man makapagfocus si Colleen dahil sa gutom, hinayaan nya lang iyon, hihintayin nya na lamang ang Lunch break ng eskwulahan. Alas diyes nang umaga, hindi na makayanan ni Colleen ang gutom niya, halos ubos na ang kanyang tubig, pahawak-hawak na siya sa kanyang tiyan. Alas onse y medya pa ng hapon ang kanilang lunch break. "Oh, kukunin mo ba o pagtitiisan mo na yang gutom mo?" Tanong ni Tristan habang inaabot ang biscuit na hawak nito. Hindi na nagdalawang-isip si Colleen, kinuha na nya ito, medyo madami-dami rin ang laman nito, kaya aabot ito sa kanyang tiyan hanggang lunch break. Binuksan nya ito at agad-agad kinain, kinain nya ito na parang wala ng bukas dahil sa gutom. "Arte-arte ka pa diyan." Pang-aasar ni Tristan, pinagmamasdan ni Tristan si Colleen habang kumakain. Tumingin si Colleen sakanya. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Tanong ni Colleen. "Wala, naghihintay lang naman ako." Sagot ni Tristan. "Anong hinihintay mo?" Tanong uli nito. "Ikaw." Sagot nito, sabay ngiti, ilang segundo silang nagkatitigan, pero nag iwas ng tingin si Colleen, biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso, pero pinigilan nya ito. Pinilit ni Colleen na titigan si Tristan sa kanyang mga mata para hindi ito makahalata sa kanyang pag-iwas. "Bakit mo naman ako hinihintay?" Tanong nito. "Hinihintay ko lang yung thank you mo." Sagot ni Tristan. "Edi thank you, yun lang pala nagpapaki-" "Nagpipick-up lines ka pa." Dagdag ni Colleen sa naputol niyang sinabi kanina. "Ako pa ba? Mabait ako kahit kanino, lalo na sayo." Tumingin ulit si Colleen sakanya, sa mismong mga mata nito, hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman, lalo na't naka eye to eye sila. Nag-iwas ulit ng tingin si Colleen. Ano ba itong nararamdaman ko? Ang weird lang. Kasi, kapag tumitingin naman ako sa mga mata ng ibang lalaki di naman ganito ang feeling ko. Arghhhh. "Mag enjoy ka lang sa biscuit ko." Sabi ni Tristan. Tumango na lamang si Colleen habang kumakain. Sa hinaba-haba ng discussion, ngayon ay Lunch break na. "Tara lunch na tayo." Aya ni Colleen kay Tristan. "Sige lang, di na ako kakain." Sagot ni Colleen. "Sige sabi mo e." Pumunta na lang si Colleen sa canteen. Bumili ito ng pagkain, at bumalik na sa kanyang silid-aralan, pag balik nya ay nakita nya si Tristan na may isinusulat. "Ano yan?" Tanong nito at agad na itinago ni Tristan ang isinusulat nito. Umupo ito sa kanyang silya, at kumain. "Sigurado ka bang ayaw mong kumain? Baka magutom ka." Nagulat si Colleen sa sinasabi nya, first time nyang maging concern sa isang lalaki na bago pa lang nya makilala. "Okay lang, makita lang kita busog na ako." Sabay ngiti. Nag iwas ng tingin si Colleen. "Ganyan ka ba talaga?" tanong ni Colleen. "Ako? Ganito talaga ako, Simpleng lalaki pero mahuhulog lahat nang babae." explain ni Tristan sabay tingin kay Colleen. tumawa si Colleen. "Sayo? sa mukha mong yan?" Tumingin si Colleen kay Tristan. Nakita nito ang mapupungay na mata ng binata kasabay pa ang magandang ngiti na may dimple sa kanan nyang pisngi. Mukhang totoo nga na magugustuhan siya ng mga babae. "Bakit? Ampangit ko ba?" tanong ni Tristan. umiling si Colleen. "Let's say na... Hindi ka nga pangit, Simpleng lalaki, pero mahuhulog ang mga babae, except sakin, hindi ako nahuhulog sa mga lalaki." explain ni Colleen. "Sus, di totoo yan. Iibig ka rin sa lalaki." Pangaasar ni Tristan. "Hindi, may girlfriend na nga ako." saad ni Colleen. "Pustahan! Magmamahal ka rin ng lalaki." Pagpupusta ni Tristan. "Sige ba. Pag nagmahal ako ng lalaki, gusto ko mahal nya rin ako, pero di naman talaga ako magmamahal ng lalaki." pag sangayon ni Colleen. "Siguro naman may mag mamahal din sayo na lalaki noh, diyan lang sa gilid gilid, imposibleng wala." "Kung meron man, maghihirap siya na makuha ako, pusong lalaki toh noh." sabay ngumisi si Colleen. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD