bc

Inlove with the Boyish Girl

book_age12+
33
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
playboy
badgirl
tomboy
self-improved
comedy
twisted
sweet
coming of age
school
like
intro-logo
Blurb

Si Colleen ay babae kung tignan pero pusong lalaki kung pagmasdan. Para sa dalaga, ang pag-ibig nya ay sa Babae lamang dahil kailanman hindi tumibok ang kanyang puso para sa mga lalaki. Kaya ang iniisip nya, bagay sakanya ang magmahal sa tulad nyang dalaga.

Paano na lang ang pag-ibig nya sa dalagang mahal nya na noon pa man na si Rochelle, kung dumating ang kaisa-isang lalaki na hindi nya inaasahan na magpapatibok sa kanyang puso na babae lamang ang itinitibok?

Paano nga ba ang love story ng Binatang si Tristan at ang Dalagang si Colleen? Paano nga ba babaguhin ni Tristan ang pusong lalaki ni Collen gamit ang mainit na pagmamahal ng Binata?

O mababago nga ba?

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Pasok na ko ma!" Sigaw ni Colleen sa Ina nyang abalang-abala sa pagtulong sa kanyang mga katulong sa paghanda ng pagkain. "Kumain ka muna, anak." Mahinang saad ng Ina. "Sige po ma!" Biglang umupo si Colleen sa upuan at sinimulang kumain. Hindi na nagulat ang Ina ni Colleen sa asta nito na parang lalaki kung umupo, laging nakabukaka. "Colleen! Kailan ang laban nyo sa Basketball?" Tanong ng Ama ni Colleen. "S-sa next month pa po Papa!" Dahan-dahan syang nagsasalita dahil punong-puno nang pagkain ang bibig ni Colleen. "Manunuod ako ng laban anak! Talunin mo mga kalaban mo! Daddy's boy yan e!" Pabirong saad ng Ama. "Hoy?" May pagbabanta sa tuno ng Ina ni Colleen. "Haha! Syempre Pa! Daddy's boy ako!" Tumawa silang dalawa samantalang hindi naman maipinta ang mukha nito. Noon pa lang ay lalaki na kung makaasta iyong si Colleen, hindi na sila nagtataka roon. Pero ayaw parin talaga ng Ina nya ang tungkol dito, kaya hindi nawawalan ng pagasa ang Ina, na makitang maganda, at nagmamahal sa lalaki, tulad ng pagmamal nya sa mahal nitong asawa. "Alis na ako Ma! Pa!" Sigaw nito "Sigee, magingat anak." Pagiingat ng Ina. "Copy ma!" Naglakad na palabas ng bahay si Colleen para sumakay sa Kotse nya. labing pitong taong gulang palang si Colleen pero may alam na sa maraming bagay, palibhasa ay lumaki itong masagana sa buhay. "COL." Tawag sakanya ng mga tropa nyang lalaki. "Bro!" Nag si pag hi five sila. "We miss you Col." May halong lungkot sa sinabi ni Jericho. Bigla itong siniko ni Garrett. "Isang linggo lang nawala si Col namiss mo na agad?" Pangaasar ni Garrett. "Naku wala ngang gana mag-aral yan si Jericho nung wala ka." Lalong ininsulto ni Rex si Jericho. "Wala kaseng inspiration." Yumuko sa kahihiyan si Jericho. "Ayieeeee!" Pinakilig nila Garrett at Rex si Jericho, habang si Colleen ay may hinahanap. "Alam nyo naman na may Gf na ako diba?" Pagsira ni Colleen sa tawanan nila. Wala pang Gf si Colleen ay may gusto na si Jericho sakanya, pero lahat ng pagod at hirap na dinanas ni Jericho sa pagsusuyo sa dalaga ay napunta sa wala. Dahil hindi nga tumitibok sa lalaki ang puso nito. Matagal-tagal na ring magtrotropa itong si Jericho Castro. Garrett Rosales, Rexander Samson, at si Colleen Andress. Kilalang-kilala ang mga pangalan na yan dito sa Diviña High School. "Asan na nga pala si Rochelle, nagtetext ako sakanya na papasok ako ngayon pero di man lang sya nag seseen." Tanong ni Colleen. "We haven't seen her yet." sagot ni Rex. "Oo nga, first time ko lang nakitang hindi maaga yung babaeng yun ngayon." Nagtatakang si Garrett "Oh sige. Hanapin ko na lang siya. Kita na lang tayo sa Practice mga bro!" Pagpapaalam ni Colleen. Lumakad na si Colleen para hanapin si Rochelle na kanyang kasintahan. Dalawang taon ng magkasintahan sila Rochelle at Colleen, minsan may pagaaway, pero masaya naman duon si Colleen. HUMINTO sa paghahanap si Colleen ng makita nya ang bulletin board, nakita nya ang Basketball tournament. Makakalaban nila ang kabilang Paaralan, Kinabahan siya bigla. Alam nyang malalakas ang mga manlalaro ng Equinox High. Hindi nya pa nararanasang makalaban ang mga ito, Pero napanuod na nya na lumaban ito sa Paaralan nito. Huminga siya ng malalim, at ilinibot ang tingin sa malaking Bulletin Board, dahil dito makikita kung ano ang mga nangyayari o mga events ng Paaralan. Nakita nya ang Scholarship Names. Madami-dami rin, hindi na nya inisa-isa ang mga pangalan. Sa banda nun nakasulat na ngayon na ang pasukan ng mga scholar, nadismaya siya, dahil alam nyang lagi siya ang target ng mga lalaking scholar, maganda kase itong si Colleen, isang tingin mo lang ay mahuhulog ka na sa kaganda-ganda nitong mga mata, pero ang para sa kanya, magagandang dilag lang ang nagugustuhan nya. "Hi miss!" Tawag sakanya ng lalaki sa likod. Lumingon sya. "Anong kailangan mo?" Tanong ni Colleen. "Can i get your nu-" "Bro!" Pagputol ng isa pang lalaki. "Ahm Colleen! Pasensya ka na. Ngayon lang ito pumasok e, kaya ganyan." Pagpapasenya nya. "Bro? Nanghihi-" "Alis na kami Colleen" hinila nya ang lalaking manghihingi sana ng kanyang number. Ng makalayo-layo na, sinabi ni Colleen sakanyang sarili. 'Mukha ba akong babae sa itsura kong ito?' Nakcap ito na nakasuot sakanyang ulo 'bakit ba kase puro lalaki na lang ang nagkakagusto sakin? Sabagay, madami namang chikx ang lumalapit sakin! Hehe.' "Asan na ba kasi si Rochelle?" Naghanap-hanap pa ulit si Colleen, at sa wakas, nakita na nya ang kanyang mahal na dalaga, ngumiti sya na umabot na hanggang langit, sa sobra nyang saya nabalutan ito ng gulat dahil sa nangyari. May kayakap itong lalaki, agad na pumunta itong si Colleen sakanilang dalawa, pagdating duon, ay bigla nalamang nyang sinuntok sa pisngi ang lalaking kayakap ni Rochelle. "Oh my god! Colleen! What did you do?" Hinamas ni Rochelle ang pisngi ng lalaking sinuntok ni Colleen. "What did i do? Sinuntok ko lang naman itong lalaking kayakap mo!" Di niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanila. "Wala naman kaming ginagawang masama!" Saad ng lalaki habang hinihimas ang pisngi, hindi sya makapaganti dahil itoy babae. "Anong wala? Ano yung ginagawa byong kalandian? Mabuti ba yun ha?" Galit na galit si Colleen. "Colleen! Let me expla-" "Explain? E nakita ko na kung anong ginagawa nyo e! Diba sabi mo ako lang?" "Pwede ba Colleen? Kamag anak ko lang siya! Masama ba na yinayakap ko siya?" Pag explain ni Rochelle. Nagulat si Colleen, nagmukha siyang tanga sa lahat ng tao na nandoon. "I-im sorry! Bro, i didn't mean to do that, I'm really sorry." Yumuko sya sa kahihiyan. "Okay lang yun." Sabi ng lalaki. "Matteo." Inabot nito ang kanyang kamay. "Colleen." Nagshake hands sila. "Ngayon alam mo na? Apaka insecure mo naman sakin, wala ka bang tiwala sakin?" Tanong ni Rochelle. "Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko, di mo kasi sinasagot mga text at tawag ko, kaya akala ko may iba ka na." Explain ni Colleen. "Okay, alis na ako." Sabi ni Rochelle. Nagsimula na syang maglakad. "Wait! Babe!" Tumigil si Rochelle at tumingin kay Colleen. "Please, Colleen! Mamaya na tayo magusap, nakakahiya sa mga bago dito." Mahinang sinabi ni Rochelle. "Ano namang nakakahiya? Pakialam nila kung nagmamahalan tayo?" Linakasan ni Colleen ang boses nya. "Mamaya na please." Aalis na sana siya. Pero nagsalita pa si Colleen. "I love you." Saad nya na may halong lamig sa kanyang boses. Tumingin lang si Rochelle sakanya, umalis lang siya na parang walang nangyari. Sumunod dito ang kamag anak nyang si Matteo. Iiyak na sana si Colleen, pero pinipigil nya ito dahil sa madaming tao ang nakatingin sakanila, umalis na lang siya. Nakatulalang naglalakad si Colleen, halos hindi na nya alam ang kanyang pupuntahan. hindi man lang siya sumagot noong nag sabi ako ng i love you, di na ba niya ako mahal? sa dalawang taon naming pagsasama, ngayon nya lang ako di sinagot sa sinabi kong 'i love you'. "Ouch! Bakit mo ba ako hinahawakan!" "Pasensya na po miss." Humawak sakanya ang isang lalaki na hingal na hingal. Bumitaw ito sa pagkakahawak sakanya. "Ha? Miss? Tinatawag mo akong miss?" Naiinis na sabi ni Colleen. "M-miss basta! May pasok po, malalate ka na, at ako." Hingal na hingal na sabi nya. Tinignan ni Colleen ang oras, nanlaki ang mga mata nito, 9 o'clock na, ganitong oras nagsisimula ang unang subject nila, "Pasensya na talaga miss, pero kailangan mo ng pumasok, at papasok na rin ako?" "FYI hindi ako miss? Sa itsura kong ito miss ang itatawag mo sakin?" Galit na galit si Colleen "Bahala ka na po dyan kung magagalit ka!" Nagsimula ng tumakbo ang lalaki papunta sakanyang silid aralan. "LOKO!" sigaw ni Colleen. Tumakbo na rin si Colleen papunta sakanyang room. Nakadating ito na hingal na hingal, nanginginig na binuksan niya ang pinto, doble ang kahihiyan na nasakanya dahil sa mga nangyari kanina at nalate pa sya. Nang mabuksan nya ito, nag sitinginan ang mga Estudyante at ang kanilang guro. Medyo na aawkward siya dahil ang iba dito ay bago dahil sa mga scholarship na ibinigay ng paaralan sa ibang Estudyante. "G-good morning m-maam." Yumuko ito. "Your late Andress." Saad ng guro. "Yes i know maam, Im sorry." Pumunta na ito sa kanyang upuan. Unti-unting huminga ng malalim. Pagkatapos noon, nagbukas ulit ang pinto. Lumingon ulit ang lahat, pagkalingon ni Colleen nakita nyang ito ang lalaking tumawag sakanyang "MISS" sa lahat ng tatawag sakanya, ayaw nyang tinatawag siya ng ganon. Nandilim ang paningin ni Colleen sa lalaking iyon. "I-im sorry po maam, nalal-late po ako kase, n-naligaw po ako." Hingal na hingal na sabi nya. "It's okay sir, are you a scholar?" Tanong ng guro. "Opo maam." "Okay good, Introduce yourself." Sabi ng guro. Dahan-dahang pumunta ito sa harap. "I'm T-tristan Vasquez." nahihiyang Pagiintroduce sa nga Estudyante. "Okay good sir vasquez. You may now go to the vacant seat, duon katabi ni Andress." Nagulat si Colleen. Tumango naman si tristan kahit hindi nya alam kung sino sa Andress. "Oh! Hindi mo pa pala sya kilala, I'm so stupid, haha!" Natatawa ang guro, sumabay na lamang ang buong klase sa tawa nya, itinuro ng guro kung saan siya uupo at kung sino si Andress. "Andress, please be kind to him ok." Pagmamakaawa ng guro pero di sumagot si Colleen. Wala nalamang ginawa ang guro dito. Nagsimula ang klase, pero ni isa wala siyang naintindihan, dahil katabi niya lamang ang nagpapainis sa kanya. "Miss Andress right?" Tanong ni Tristan sa kanya. "Please sir Vasquez, don't call me MISS, ayokong tinatawag akong ganoon." Nagpipigil ng galit si Colleen. "Im sorry, btw im Tristan, you can call me tris for short." Inabot nito ang kanyang kamay, pero hindi ito inabot ni Colleen. "How about you?" Tanong ni Tristan. Tumingin ito kay Tristan. "I'm Colleen, you can call me Col for shor-" natigilan ito. At umiwas ng tingin. Bakit ko sinabi sakanya yon? Hindi sya karapatdapat na tawagin akong Col dahil mga kaibigan ko lang dapat ang tatawag noon saakin. "Nice name, Col, like Cool? Joke! Haha." Seryoso lang si Colleen sa joke na yon, dahil hindi naman nakakatawa. Sino naman kasi matatawa sa joke na yon diba? "Hindi nakakatawa." Seryosong sabi ni Colleen. "Sorry." TAPOS na ang klase at mag lulunch na. Hindi ginaganahang kumain si Colleen. "Col hindi ka ba mag lulunch?" Tanong ni Tristan. "Wala akong gana." Umupo si Tristan sa tabi niya. "Gusto mo kain tayo?" Tanong ulit ni Tristan. "Wala nga akong gana. Paulit-ulit ka?" Inis na sabi ni Colleen. "Okay, sorry ulit sa sinabi ko kanina, hindi ko naman alam na ayaw mong tinatawag na miss." Pag eexplain ni Tristan. "It's ok, basta wag mo na lang akong guluhin." Saad ni Colleen. "Ah okay, ang bait pala ng nanay mo noh?" Tanong ni Tristan. "Paano mo nalaman?" Pabalik tanong ni Colleen. "Siya ang sponsor ng scholarship ko eh. Diba ang bait." Explain ni Tristan. Nag pascholar si mama? Akala ko ba ayaw nya. Hay, buti nag pascholar siya, pero bakit dito sa lalaking ito? Malas naman, sana di na lang siya nag pa scholar kung sa lalaking ito ang papa scholar niya. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook