KUMAGAT na ang gabi nang makauwi ang isang matabang lalaking intsik na si Mr. Jet Lee, lumabas ito galing sa itim na kotse. Sumunod na lumabas ang dalawa niyang gwardya at sinundan siya papasok ng bahay niya. Huminto siya sa tapat ng kaniyang pinto at hindi nagtagal bumukas ang pintuan. Pagpasok niya sa loob ay inabot niya ang bitbit niyang suitcase sa gwardya at ang isa naman ay ang brown coat at hat nito. Pumukaw ang atensyon niya sa babaeng nakadamit ng pang-katulong na nasa gilid ng pintuan. Nakatali ang buhok at nakadumog ang ulo sa kaniya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, parang bago sa paningin niya ang babae. Ang katulong na iyon ay si Aurora. Hindi alam ng intsik na pinasok na ang pamamahay niya. Tatanungin na sana nito ang katulong nang bumalik ang gwardya niya na may

