Minzy's POV Nagising ako sa likot matulog ni Faye. Tabi kaming matulog at super likot niya. Pagkusot ko ng mata ay nakita ko ang bracelet na bigay sakin ni Zhander last night. Bigla tuloy akong ngumiti. Gusto ko na rin ba talaga si Zhander? Di ko pa alam. Nakabukaka si Faye nung tinignan ko siya pagkatayo ko. Balahurang babae. Ewan ko din kung bakit anong oras na siyang pumasok ng kwarto. Ang weird niya pa bago humiga. Hays ewan. Naghilamos muna ako bago lumabas. "s**t kang tomboy ka! " Bungad na narinig kong sigaw ni Kuya. Hala? Bakit galit na galit siya sa kasama ni Dave? At tawag niya doon ay tomboy? Maganda naman yun inaamin ko. "Mukha ka namang dracula kaya wag kang ano diyan, Mamaya mainlove ka pa sakin." Pang aasar ng kasama ni Dave. Silang dalawa lang ang nasa baba. Hinana

