Dave's POV Nilingon ko si Minzy sa may rest house ni Zhander sa may pintuan. Nginitian ko siya nung nagtama ang mga mata namin. Pero bakit ganoon yung expression ng mukha niya? Para bang may gumagambala sakanya? Parang malungkot na may halong galit. May katawagan siya sa cellphone. Ano kaya ang pinag uusapan nila at bakit ganoon ngayon si Minzy? Pinagmamasdan ko lang siya ng maigi mula dito sa dagat. May napansin akong ginawa niya. Teka? Umiiyak ba siya? Agaran akong pumunta sa baybay at nagsimulang mag martsa papunta sakanya. Di ko siya naabutan sa harap ng pituan dahil pumasok agad siya. Sinundan ko siya hanggang sa loob. Nakita kong paakyat siya papunta sa kwarto. "Minzy, Okay ka lang? Bakit parang nakita kitang umiiyak?" Tanong ko sa labas ng kwarto niya. Kinatok ko ito ng tatlong

