Minzy's POV Isang linggo na mula nung huli kong kita sakanya. Mula sa labas ng bahay namin ay yun na yung huli ko siyang nakitang nakitingin sakin. Hinahanap ko siya. Kahit mali ang ginagawa ko. Minsan gusto kong pagbigyan ang sarili kong sumaya. Sumaya kasama siya. Pero hindi na pwede. Hindi ko pwedeng iwan si Dave. Hindi ko kayang iwan si Dave. "Kahit ano nalang.." Wala sa loob kong sagot. Busy sila sa lahat lahat. Ako nagkukunwari lang. Malapit na ng graduation day. Pero ni anino niya hindi ko pa nakikita, Iniisip ko kung ano ang nangyari sakanya. Nag aalala ako. Nakita kong palandas sakin si Ziggy. Nanlaki bigla ang mata niya. Bigla siyang napayuko at dahan dahang naglakad. Nung nalagpasan niya na ako ay hinigit ko yung kamay niya. "Hindi mo kaylangang umiwas sakin.." Sabi ko ng n

