Minzy's POV Hinatid ako ni Zhander sa condo. Buong biyahe ay hindi siya umiimik. Tinanggal niya yung seatbelt niya tsaka lumabas para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Parang ayokong bumaba. Ayokong umalis. Pwede bang dito nalang ako? Kung saan kasama ka Zhander. Pwed mo ba akong dalhin kung saan? Yung malayo sa problema. Yung tayo lang dalawa. Yung matatakasan ang lahat nang 'to. Sana nasasabi ko lahat ng naiisip ko ngayon sakanya. "Hinihintay ka na ni.. Dave." Sabi niya. Dahan dahan akong bumaba mula sa kotse niya. Tinitigan ko yung malungkot niyang mga mata. Gustong gusto ko siyang yakapin. "Goodbye, Minzy." Hindi siya nakatingin sakin habng sinasabi ito. "Z-zhander.." "Sana, Mahalin ka niya. Yung higit pa sa nararamdaman ko para sa'yo. Tandaan mo. Lagi kitang mamahalin.." Sabi n

