Chapter 8
Lucio's Pov
“Baby, Pwede bang dito na lang muna please! Nakakaawa naman kasi si ate Veda mo.’’ Pakiusap ko sa kanya
‘’Sige po daddy payag na po ako.’’ Wika niya sa akin.
‘’Salamat baby.’’ Wika ko sa kanya
‘’Welcome ka na ate Veda dito sa bahay namin po.’’ Pangiting sabi ni Ashley kay Veda
‘’Salamat sa pagtanggap sa akin Ashley.’’ Wika ni Veda kay Ashley.
‘’Halika na po ate pasok ka na po sa loob .’’ Aya ni Ashley kay Veda
‘’NInong salamat po sa pagtanggap sa akin napakabuti mo po sa akin. Pangako tutulong po ako sa gawain dito sa bahay ninong.’’ Wika ni Veda sa akin.
‘’Veda no wag mong isipin yung nasa isip mo. Welcome ka dito sa bahay simula ngayon.’’ Sabi ko sa kanya
‘’Salamat ninong napakabuti mo sa akin.’’ Wika niya sa akin sabay yakap.
Nagulat ako sa pagyakap ni Veda sa akin. Hinawakan ko na lang din ang kanyang likod habang nakayakap sa akin.
‘’Sige Veda pasok ka na sa loob ihahanda ko lang isang kwarto sa taas.’’ Wika ko sa kanya
‘’ Salamat po ninong.’’ Sagot ni Veda sa akin.
“Ano Nolie nandyan na ba si Veda?" Tanong ni Nenita sa kanyang asawa.
“Wala pa talaga. Ikaw kasi napaka abusado mo sa pamangkin mo mas lalo na ngayon binuhusan mo pa ng mainit na kape. Paano kung mag sumbong yun sa police tapos ipakulong ka? Sige nga isipin mo. Labis na talaga pag maltrato mo sa pamangkin mo." Wika ni Nolie sa kanyang asawa.
“Hayaan mo siya wala naman ibang pupuntahan yung babae na yun.” Singal ni Nenita sa kanyang asawa.
"Gabi na baka napano na yun pamangkin mo. Kasalanan mo lahat ito Nenita napaka maltrato mo kay Veda.” Pagsisi niya sa kanyang asawa.
“Hayaan mo yun babalik din yun." Wika ni Nenita sa kanyang asawa.
Biglang kumalabog ang pinto .
“Oh napano kayo?” Tanong ni Banjo ng pumasok siya sa pintuan.
“Si Veda ata lumayas anak." Sabi ni Nolie kay Banjo.
“Ano? Bakit lumayas?" Singhal ni Banjo sa kanyang magulang.
"Ito kasing nanay mo pano hindi lumayas sinabuyan niya ng mainit na kape kaninang umaga.” Kwento ng kanyang ama ni Banjo.
"Ano? Bakit mo ginawa yun nay? Malamang nalapnos yun kung sinabuyan mo. Ano bang nasa isip mo bakit mo ginawa yun kay Veda?" Tanong ni Banjo sa kanyang nanay.
"Sa inis ko kasi anak noong ang tagal niyang nagising uminit na ulo ko sa kanya.Dinagdagan niya pa matamis ang timpla niyang kape kaya isinaboy ko sa kanya kanina.” Paliwanag ng kanyang ina sa kanya
“Ano ba yan nay ginagawa mo kay Veda." Singhal ni Banjo sa kanyang ina.
Aligaga si Banjo ngayon baka hindi na bumalik si Veda sa kanilang bahay.
“ Anong oras ba you umalis si Veda tay?” Tanong ni Banjo sa kanyang tatay
“Mga alas dyes anak .” Sagot ng kanyang tatay kay Banjo.
“Anong oras na mag alas siete na hanggang ngayon wala pa!” Wika ni Banjo sa kanyang magulang.
“Paano kung lumayas na talaga yun anak?” Tanong ng kanyang tatay
“Hindi pwede tay!” Sagot ni Banjo
Aligagang palakad lakad sa loob ng sala nila habang nakaupo ang kanyang magulang.
“Saglit pupuntahan ko siya sa bayan para hanapin siya baka nandoon lang siya tay.” Pagpapaalam ni Banjo sa kanyang tatay.
“ Hayaan mo na lang siya Banjo uuwi din yun wala nga siyang pamilyang iba diba sabi ko sa inyo. Tayo lang ang pamilya niya kaya babalik din yun sa atin.” Nagpupumilit ng kanyang nanay sa kanya
“Ah basta nanay hahanapin ko siya pupuntahan ko siya sa bayan ngayon.” Wika ni Banjo sa kanila.
Umalis si Banjo at pumunta agad sa bayan.
“Lintik hindi pwedeng hindi makabalik si Veda baka isuplong niya ako sa mga pulis.” Sambit niya habang naglalakad sa daan.
Agad siyang sumakay ng jeep para makapunta sa bayan para hanapin si Veda.
“Lucio sino yang babae na yan at bakit mo dinala dito sa bahay mo?” Tanong ni ate Fe sa akin.
“Ate si Veda yan anak yan ni Fenilope.” Sagot ko sa kanya.
“Fenilope yung ex mo noong high school ka?” Tanong niya sa akin.
“Yes, ate Fe.” Sagot ko.
“Oh bakit nandito ang anak ni Fenilope nasaan siya bakit wala sa tabi niya ang kanyang anak?” Tanong ulit ni ate Fe sa akin.
“Ate wala na din po siya namatay siya 2yrs ago.” Sagot ko sa kanya.
“What? Wala na din pala mama niya? Wala na si Fenilope? Eh saan mo siya nakita Lucio?”Tanong ni ate Fe sa akin.
“Yung ate aksidente kaming nagbanggaan kahapon kamukhang kamukha talaga siya ni Fenilope kaya napatanong ako sa kanya. Yung pala mama niya talaga pala si Fenilope.” Kwento ko kay ate Fe.
“What a call incident? Nakilala mo talaga sa hawig ng kanyang ina.” Wika ni ate Fe
“Yun nga buti na lang na contact niya ako kanina nanginginig na yan sa kanya lapnos sa kanyang braso.” Wika ko sa kanya.
“Bakit?” Tanong niya sa akin
“Sinabuyan daw siya ng mainit na kape ng kanyang tiya kaninang umaga.” Wika ko kay ate Fe.
“Hala! Kawawa naman okay na ba siya? Dinala mo ba siya sa ospital Lucio?” Aligagang tanong ni ate Fe sa akin.
“Oo ate napa gamot ko na siya buti na lang first degree lang natamo niya hindi masyado malala pero masakit daw. Nilalagnat nga yan kanina.” Wika ko sa kanya.
“ Hay naku minamaltrato pala siya ng kamag anak niya kawawa naman din pala. Buti na lang na contact ka niya agad.” Wika ni ate sa akin.
“Kaya nga ate inaanak ko din siya ate Fe kaya dito na lang siya sa bahay para naman makabawi ako sa kanya.” Paliwanag ko kay ate Fe
“ Ganun ba? Okay para naman may kasama din si Ashley dito sa bahay.” Wika ni ate Fe sa akin.
“Kaya nga po ate . Mabuti nga pumayag si Ashley na dito na lang muna si Veda kawawa din kung pababayaan ko.” Wika ko kay ate Fe.
“Magpapa order na lang ako ng pagkain para hapunan natin ngayon.” Wika ko kay ate Fe
“Okay ikaw na bahala napagod din ako sa byahe gusto ko munang magpahinga sa guest room mo.” Wika ni ate Fe sa akin.
“Okay ate mag pahinga ka muna ate ako na bahala dito gigisingin na lang kita mamaya.” Wika ko sa kanya.
Umakyat na si ate Fe sa taas para magtungo sa guest room para mag pahinga.
Nakarating na agad si Banjo sa bayan at naglalakad lakad. Hinahanap niya si Veda sa bawat dadaanan niya baka sakaling makita niya ito.
Wala siyang nakitang Veda kahit anino nito.
“Nasaan ka na ba Veda? Hindi ka pwedeng lumayas baka kumanta ka pa at magsumbong ka sa ginagawa ko sayo. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba dahil akin ka lang! Inis na sinasambit ni Banjo habang hinahanap si Veda sa mga pwedeng mapuntahan niya.
“Bwesit! Veda nasaan ka!” Sigaw niya sa kalsada.
Dumating na ang mga pagkain na inorder ko. Inihanda ko na sa dining table para makakain na kami ng hapunan. Nang natapos na ay tinawag ko na sila para kumain. Pinuntahan ko si Veda sa kanyang kwarto kinatok ko ang kanyang pinto.
“Veda! Veda! Magha hapunan na baba ka na.” Sambit ko sa kanya.
Wala akong naririnig na boses binuksan ko na lang ang pinto at pumasok na lang sa kanyang kwarto.
Nakita ko si Veda mahimbing nakatulog sa kama.
Tinitigan ko ang maamo niyang mukha habang tulog siya. Kinuha ko na lang ako kumot para kumutan ang kanyang katawan.
Dahan-dahan kung binuklat saka nilagay sa kanyang katawan.
“Huwag! Sigaw niya bigla ng nilapat ko ang kumot. Nagulat ako sa sigaw niya na parang takot na takot bigla. Nanlaki ang kanyang mata at nanginginig sa takot.
“Kalma Veda si ninong ito kinumutan lang kita. Sorry kung nagulat kita Veda.” Pakalma ko sa kanya agad.
Nakita ko sa kanya na takot na takot siya bigla. Parang hindi normal ang kinikilos ni Veda parang takot na takot siya sa itsura niya.
“Shhhhh! Veda tama na dito lang kami huwag ka ng mag alala Veda!” Sambit ko sa kanya habang pinapakalma siya sa kanyang takot.
“Hayop siya napaka hayop ginawa nila sa akin!” Sigaw niya habang umiiyak.
“Huwag ka ng mag alala Veda hindi ka na babalik doon pangako ko po protektahan kita Veda.” Wika ko sa kanya.
“Tahana Veda tahana!” Sambit ko sa kanya habang pinapakalma pa siya.
Bumaba ako agad para kumuha ng maiinom na tubig ni Veda.
“Ito inumin muna ito Veda.” Wika ko sa kanya habang pinapainom siya ng tubig.
“Ano okay ka na Veda?” Tanong ko sa kanya
“Opo ninong sorry po kanina sa nangyari po.” Wika niya sa akin.
“Okay lang Veda. Sa tingin ko sayo kanina Veda may kinakatakotan ka! Sino ba yung tao na yun Veda? Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sayo bakit ganun ka grabe ang takot mo?” Tanong ko sa kanya
Hindi siya umimik at tulala pa rin siya.
“Okay hindi muna kita pipilitin mag sabi kung anong totoo pero Veda handa akong makinig dahil nag aalala din ako sayo.” Wika ko sa kanya
Napatingin siya sa akin pero lumuluha ang kanyang mga mata.
“Sige na kalimutan mo na yun pero kung ready ka ng magsabi sabihan mo lang ako para matulungan kita.” Wika ko sa kanya.
Ramdam ko ang takot niya pa rin kahit hindi niya sabihin sa akin.