Chapter 7
Veda’s Pov
Kailangan kong maka alis dito hindi ko na kaya mga ginagawa nila sa akin.
Inisip ko ang binigay na number ni ninong sa akin. Magbabakasakali akong magpatulong sa kanya para maka alis lang dito. Napatingin ako sa dalawang braso ko lapnos na lapnos ang balat ko . Sobrang hapi na nito.
Naka upo lang ako sa sulok at iniinda ang hapdi sa aking balat. Lumapit bigla sa akin si tsong Nolie sa akin.
“Veda ito pera bumili ka ng gamot na ointment para dyan. Alam kong masakit yan kaya pumunta ka na sa botica para makabili agad. Ako na bahala sa iyong tsang magpaliwanag basta malunasan yan sugat mo." Wika ni tsong Nolie sa akin.
Tumulo luha ko habang nasa harap ni tsong.
“Tsong salamat po. Salamat sa pagmamalasakit sa akin tsong." Wika ko sa kanya habang tumutulo luha ko.
“Sige na Veda habang natutulong tsang mo." Wika niya sa akin.
Kinuha ko din ang papel na binigay ni ninong pagkakataon ko ng humingi ng tulong sa kanya.
Agad akong umalis at nagmamadaling umalis ng bahay. Palingon lingon ako sa daan baka makita ako ni kuya Banjo sa daan. Buti na lang may dumaan na trycle at inarkila ko na lang papuntang bayan.
Agad naman akong nakasakay at nag tungo na kami agad sa bayan.
Sobrang hapdi ng dalawang braso ko na nalapnusan. Namumula na siya at nag tutubig. Tiniis ko na lang hanggang makabili ako ng gamot pampahid dito.
“Manong dito na lang po." Sambit ko sa tricycle driver saka abot sa pamasahe ko.
Nagmamadali na akong pumunta ng botica para makabili ng ointment na panggamot dito.
“Miss pabili nga po ng ointment pang pahid sa paso.” Wika ko pharmacist
Binigyan ako ng gamot agad saka pumunta ako sa gilid para lapatan ng lunas ang aking mga lapnos sa aking dalawang braso.
“Ahhhhh! Ahhhh! Sobrang hapdi!” Maktol ko habang nilalagyan ko ng ointment ang lapnos ko.
Maiyak iyak ako sa sakit ng nilagyan ko ng ointment. Nang natapos ko ng gamutin ay pumunta sa tindahan na may pay call.
“Miss magkanu po paycall?” Tanong ko
" 15 pesos po." Sagot ng tindera sa akin
“Ito po ate bayad ko." Wika ko sabay bayad agad .
Kinuha ko ang maliit na card sa bulsa ko at ni dial ang number para matawagan ko agad. Nang ni dial ko na ay biglang nag ring ang kabilang linya.
Kring…Kring Ggg..
“Oh kay aga naman may tumatawag sa akin. Sino kaya ito?" Sambit ni Lucio.
“Yes hello." Wika ni ninong Lucio.
“Hello po si Veda po ito!" Wika ko sa kabilang linya.
“Oh Veda napatawag ka?" Tanong ni ninong Lucio
"Ninong humingi po ako ng tulong sayo!” Sambit ko sa kabilang linya.
"Anong nangyari? Nasaan ka ngayon?” Tanong ni ninong Lucio sa akin
" Nandito po ako sa bayan malapit sa pharmacy po ninong bumili po ako ng gamot. Hindi ko na po kaya ginagawa nila sa akin ninong kaya humihingi po ako ng tulong sa inyo po! Parang awa mo na ninong!” Pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak.
" Sige Veda pupuntahan kita dyan ngayon huwag kang umalis dyan. Basta pupuntahan kita.” Nagmamadaling sabi ni ninong Lucio sa akin.
" Salamat ninong maghihintay po ako sa bandang tindahan sa malapit sa pharmacy po.” Wika ko sa kanya.
"Sige kalma ka lang Veda pupuntahan na kita sige na bye.” Wika niya sa akin.
Binaba na niya agad ang phone at hinintay ko na lang siya dito para mapuntahan na niya ako agad.
Agad umalis ng bahay si Lucio at pinaharurot ang kanyang sasakyan.
‘’Ate anong nangyari po sa inyo nanginginig po kayo?’’ Tanong ng babae sa akin.
‘’Sobrang sakit po ng paso ko sa braso ko po. Pwede po ba ako makahingi ng maiinom ko ate?’’ Tanong ko sa kanya
‘’Sge po ate saglit po.’’ Wika ng babae nagmamalasakit sa akin.
Nagmamadali ang babae kumuha ng tubig saka ibinigay na sa akin agad para mainom ko.
‘’Salamat ate.’’ Wika ko sa kanya
‘’Ate may hinihintay po ba kayo? Mukhang nilalagnat po kayo.’’ Tanong ng babae sa akin
‘’Meron po ate hinihintay ko lang po ninong ko.’’ Sagot ko sa kanya
‘’Sobrang nanginginig ka ate dahil sa sugat mo ngayon.’’ Wika ng babaeng nasa kinaroroonan ko.
Biglang may dumating na sasakyan sa harapan ng tindahan saka bumaba agad.
‘’Veda anong nangyari sa inyo na pano ka? Bakit may lapnos ka sa mga braso mo? Halika dadalhin kita sa ospital agad para magamot sugat mo.’’ Aligagang sab ni ninong sa akin.
Binuhat niya ako agad at isinakay sa kanyang sasakyan. Pinaharurot ni ninong ang kanyang sasakyan saka nag tungo sa malapit na ospital.
‘’Sinong gumawa sayo yan Veda’’ Tanong niya sa akin
‘’Si tsang ko sinabuyan po ako ng mainit na kape ninong.’’ Sagot ko sa kanya
‘’ Grabe naman ginawa nila sayo pagmamaltrato na yan.’’ Inis na sabi ni ninong sa akin.
Hindi na maipaliwanag ang nararamdaman kong hapdi sa aking braso.
Nang nakarating na kami sa ospital ay dali-dali niya akong inalalayan sa loob para malapatan ng lunas sa lapnos ko sa braso. Ginamot agad ang mga lapnos ko sa braso buti na lang hindi masyadong malala.
‘’Kamusta pakiramdam mo Veda?’’ Tanong ni ninong sa akin.
‘’Okay na ako sa ngayon ninong salamat po sa tulong nyo po sa akin.’’ Wika ko sa kanya
‘’Buti na lang first degree lang natamo mo hindi masyado malala Veda.” Sabi ni ninong Lucio sa akin.
“Bakit ano bang dahilan bakit binuhusan ka ng mainit na kape?” Tanong ni ninong Lucio sa akin.
“Na tamisan ko kasi ng timpla ninong kaya nagalita si tsang sa akin.” Sagot ko sa kanya
“Hindi dahilan yan na sabuyan ka ng mainit na kape Veda pagmamaltrato na yan sayo. Ano matagal na bang ginagawa sayo ito?” Tanong ni ninong sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya.
“Huwag ka ng bumalik doon ha kung ganyan ginagawa sayo Veda.” Wika ni ninong sa akin na nag aalala.
Umiyak lang ako sa harapan niya.
“Baka hindi lang ito ginagawa sayo Veda magsabi ka ng totoo?” Mataas na boses ni ninong sa akin.
Imbes na sumagot lang ako ay umiyak lang ako ng umiyak sa harapan niya.
“Mga gago sila mga walang puso mga kamag anak mo pero pinahirapan ka ng tudo.” Galit na pagkasabi ni ninong Lucio.
“Huwag ka ng bumalik doon Veda mananagot sila sa akin.” Inis na pagkasabi ni ninong
“Huwag na ninong baka mapano po kayo.” Sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang si ninong sa akin ng nagmamakaawa ako sa kanya.
“Veda! Veda! Nasaan ba yung babae na yun bakit wala siya dito.” Maktol ni tsang Nenita
“ Nolie nakita mo ba si Veda tinatawag ko hindi man na imik umalis ba siya?” Tanong ni tsang Nenita sa kanyang asawa.
“Pinabili ko ng gamot sa bayan kawawa naman pamangkin humahagulgol sa iyak sa ginawa mo sa kanya.” Sagot ni tsong Nolie sa kanya.
“Talagang pina alis mo anong oras pinabili mo sa bayan bakit hindi pa bumabalik?” Tanong ni tsang sa kanyang asawa
“Mga alas dyes.” Sagot ni tsong Nolie sa kanya.
“ Anong oras na bakit mag alas tres na bakit hindi pa siya bumalik dito!” Wika ni tsang Nenita sa kanyang asawa.
“Kasalanan mo ito Nolie pag hindi bumalik si Veda dito!” Singhal ni tsang Nenita sa kanyang asawa
Galit na galit si tsang Nenita sa kanyang asawa sa ginawa ni tsong Nolie.
“ Veda pwede na tayong lumabas dito. Binigyan ka lang ng gamot para sa sugat po at mga antibiotic na iinumin mo.” Wika ni ninong Lucio aa akin.
“Ninong ayoko na pong umuwi sa bahay nila tsang!” Pakiusap ko sa kanya.
“ Hindi ka na talaga uuwi doon sa bahay ka na titira at i uuwi na kita ngayon. Akala mo ibabalik pa kita doon na ganito ang nangyari sayo hindi na Veda. Dapat nga ipakulong mo na lang sila dahil sa ginawa sayo ngayon.” Wika ni ninong Lucio sa akin.
“ Huwag na po ninong nakakaawa na din po kung gagawin ko kay tsang.” Sagot ko sa kanya.
“Veda naman tignan mo nga ginawa sayo. Kaawain mo nga sarili mo din? Hindi yung sila kinakaawaan mo.” Inis ni ninong sa akin.
“Hayaan mo na po ninong ipapa diyos ko na lang po sila sa lahat ng ginawa nila sa akin.” Wika ko sa kanya
Inilabas na ako ni ninong at inuwi na niya ako sa kanyang bahay.
“Auntie where’s my daddy bakit wala po siya dito sa house namin?” Tanong ni Ashley sa kanyang auntie Fe
“Baka may pinuntahan lang Ashley hintayin na lang natin ang daddy mo dito.” Sagot naman ng Auntie niya
“ Akala ko pa naman makikita ko agad si daddy pero madatnan kung wala pala siya dito sa bahay.” Malungkot na pagkasabi ni Ashley.
“Nandyan na pala daddy mo.” Wika ni ng Auntie niya
“Veda dito na tayo sa bahay ko. Mas okay ka dito safe ka.” Wika ni ninong sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng gate at pinarada ang sasakyan.
“Daddy I’m home!” Sigaw ng isang batang babae bumungad sa amin.
“Baby I miss you.” Sabay halik sa kanyang anak ng bumaba si ninong sa sasakyan.
“Daddy may kasama ka? Sino siya?” Tanong agad ng batang babae sa kanyang daddy.
Dahan-dahan akong bumaba sa sasakyan.
“Ashley si ate Veda mo inaanak ko siya sa kababata ko dati.” Pakilala ni ninong sa akin sa kanyang anak.
“. Anong nangyari sa kanya bakit may mga sugat siya sa kamay?” Tanong ulit ng anak ni ninong Lucio.
“Mahabang kwento anak minaltrato kasi siya ng tita niya kaya nagka burn si ate Veda mo. “ Paliwanag ni ninong sa kanyang anak.
“Hala kawawa naman siya bakit asaan po mommy niya?” Tanong ng anak ni ninong
“Gaya ni mommy wala na din siya nasa heaven na din siya ngayon kaya kung pwede dito na lang siya titira anak? Kawawa kasi si ate Veda mo.” Paliwanag ni ninong Lucio sa kanyang anak.
Nakatingin lang sa akin ang kanyang anak.