Chapter 17 Lucio's Pov Nagpapahinga na si Veda sa clinic. Buti na lang may nurse sila dito sa resort para mag assist sa pasyente. “Nurse kamusta na po si Veda?” Tanong ko sa kanya. "Okay na siya sir kailangan niya lang muna magpahinga sa ngayon.” Wika ng nurse nag assist sa kanya. " Salamat.” Wika ko sa kanya. Pinuntahan ko siya at binantayan muna habang tulog siya sa kama. “Veda hindi kita pababayaan nandito lang ako para sumagip sayo.” Sambit ko habang nakatingin sa kanya habang tulog. Gumalaw siya bigla at nagising sa pagka tulog. “Ninong.” Sambit niya sa akin " Kamusta pakiramdam mo Veda?” Tanong ko sa kanya "Okay na pakiramdam ko medyo nanigas lang isang binti ko ninong." Sagot niya sa akin. “Ganun ba. Magpahinga ka lang muna Veda babantayan lang kita.” Wika ko sa kanya.

