Chapter 18 Lucio’s Pov “Dito ka muna pupuntahan ko lang si Ashley.” Wika ko sa kanya habang nakatitig sa akin “Sige na puntahan mo na si Ashley sa baba kawawa naman si Ashley.” Wika niya sa akin. Iniwan ko muna siya sa kwarto saka bumaba muna ako para puntahan si Ashley. " Daddy! Daddy kamusta na po si Ate Veda?” Tanong ni Ashley sa akin. " Okay na siya anak nasa kwarto nyo na nagpapahinga na muna siya ngayon.” Sagot ko sa kanya " Bukas ng maaga uuwi na tayo baby para doon na si ate Veda mo mag pahinga sa bahay.” Paliwanag ko kay Ashley. "Okay po daddy.” Sagot ni Ashley. "Brad thank you sa pag asikaso kay Ashley. Nalipat ko na din si Veda sa kwarto.” Wika ko sa kanya. "Okay lang brad okay na ba si Veda?” Tanong niya sa akin. " Oo okay na siya pero hindi pa siya masyadong makakal

