Chapter 3

1674 Words
Chapter 3 Lucio’s Pov. Dalawang buwan ang nakalipas.. Dalawang buwan din akong lugmok at wala sa sarili puro alak lang inaatupag ko. Pati negosyo ko napabayaan ko na. Pinaubaya ko muna sa aking kapatid ang lahat na ari- arian ko. Tahimik ang buong bahay simula ng namatay ang asawa ko. Habang minamasdan ko ang loob ng bahay naaalala ko pa ang masayang nakaraan namin kasama si Ana. Bigla na lang tumulo luha ko sa lungkot na nangyari sa pamilya ko. ‘’Ana hanggang ngayon hindi ko tanggap ang pagkawala mo hanggang ngayon. Nandito pa rin ang sakit sa puso ko! Ang hirap sa sitwasyon ko dahil bigla mo akong iniwan Ana. Mahal na mahal kita.’’ Sigaw ko habang umiiyak na nasa loob ng bahay. Humagulgol ako sa pag iyak hanggang mapagod ulit ako.‘’Veda, Nakapagluto ka na ba ng hapunan?’’ Tanong ni Nenita sa kanya ‘’Opo tsang nakaluto na po ako. Saglit po maghahanda lang po ako sa hapagkainan tsang.’’ Wika ni Veda Nagmamadali siyang kumilos sa kusina at inilabas niya mga kubyertos at nilagay sa mesa. ‘’Bukas Veda pupuntahan namin ang tatay mo sa Maynila kailangan maaga kang gumising para maghanda ka ng dadalhin namin para sa kanya.’’ Wika ng kanyang tiya ‘’Tsang pwede ba akong sumama bukas?’’ Tanong niya sa kanyang tiya ‘’Bakit ka pa sasama dagdag ka pa sa gastusin sa pamasahe. May pera ka ba para sumama ka bukas? Wala diba? Kaya maiwan ka na lang dito saka walang magbabantay sa bahay.’’ Wika ng kanyang tsang kay Veda. Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang mga sinasabi ng kanyang tiyahin. ‘’Tawagin mo tsong mo sa labas para kumain na.’’ Utos ng kanyang tsang kay Veda. ‘’Opo tsang tatawagin na po.’’ Sagot niya at nagmamadaling pumunta sa labas ng bahay. ‘’Asan kaya si tsong bakit wala dito. Sabi ni tsang nandito lang daw bakit wala dito saan kaya nagpunta.’’ Sambit niya habang hinahanap ang kanyang tsong Nolie. ‘’Pre buti na padaan ka dito. Mag inuman muna tayo saglit kahit tag isang bote lang ng gin.’’ Wika ng kanyang kompare ni Nolie. ‘’Naku nandoon pala sa kapitbahay si tsong makipag inuman na naman. Saglit mapuntahan nga baka mapagalitan na naman ako ni tsang pag hindi ko ma tawag si tsong Nolie.’’ Sabi ni Veda habang papunta sa kinaroroonan ng kanyang tsong. ‘’Tsong, pina uuwi na po kayo ni tsang Nenita para mag hapunan na po kayo.’’ Wika niya kay Veda. ‘’Ganun ba. Sige susunod na ako.’’ Sabi ng kanyang tsong kay Veda. ‘’Paano yan pre pinatawag na ako ni kumander baka mabulyawan na naman ang inutusan niya kawawa naman.’’ Sabi niya sa kanyang kumpare. ‘’Sa susunod na lang pre pag hindi tinupak ang kumander ko.’’ Dagdag pa ni Nolie. ‘’Sige pre sa susunod na lang.’’ Sagot din ng kanyang kumpare. ‘’O asaan tsong mo Veda?’’ Tanong ng kanyang tsang Nenita ‘’Susunod na po daw kausap niya po ang kumpare niya sa kabilang bahay tsang.’’ Sagot ni Veda sa kanyang tsang. ‘’ Naku! Baka mag iinuman na naman yun.’’ Wika ng kanyang tsang Nenita ‘’Nandito na ako baka bulyawan mo na naman si Veda.’’ Wika ng kanyang asawa. ‘’Buti naman umuwi ka pa babalikin ko sana si Veda doon sa kumpare mo. Alam mo naman may lakad tayo bukas tapos makipag inuman ka pa talaga.’’ Pag sermon ni Nenita sa kanyang asawa. ‘’Umuwi na ako diba kaya huwag ka ng maingay dyan mag sisimula ka na naman. Kumain na nga tayo.’’ Wika ni Nolie sa kanyang asawa. ‘’Sumabay ka na sa amin Veda kumuha ka ng plato mo.’’ Wika ng kanyang tsong kay Veda. ‘’Sinong nagsabi sasabay siya sa atin? Pagkatapos natin kumain saka pa siya pwedeng kumain Nolie.’’ Mataas na boses ni Nenita sa kanyang asawa. ‘’Okay lang po tsong mamaya na lang po ako kakain hindi pa naman ako gutom.’’ Wika ni Veda sa kanyang tsong. ‘’Oh sige Veda pasensya ka na sa tsang mo.’’ Sabi ni Nolie kay Veda ‘’OKay lang po tsong sige po sa labas muna po ako.’’ Wika ni Veda kay sa mag asawa. Lumabas muna siya sa bahay at umupo sa bandang puno. Napatingala siya sa langit na malungkot. ‘’Nay, miss na kita sana naman magpakita ka sa akin kahit saglit lang nay para mayakap kita.’’ Sambit ni Veda habang nakatingin sa kalangitan. Isang bote ng alak ang naubos ko. Kumuha ako ulit sa wine cabinet at dinala ko sa terrace para doon ko inumin ang alak. Napaka tahimik ng paligid napatingala ako sa kalangitan habang umiinom din ng alak. ‘’Biglang tumunog ang cellphone ko napatingin ako kung sino tumatawag. Nakita ko s ate Fe pinulot ko ito agad saka sinagot ang kanyang tawag. ‘’Hello ate Fe napatawag kayo?’’ Tanong ko sa kanya sa kabilang linya ‘’Lucio kamusta ka na dyan? Buti naman sinagot mo tawag ko sayo hindi ka nagpaparamdam na sa amin. Ano bang nangyari sayo?’’ Tanong ni ate Fe sa akin. Hindi ako umimik agad sa kanya. ‘’ Lucio alam naman namin nagluluksa ka pa sa pagkamatay ng asawa mo pero huwag mo naman pabayaan sarili mo. May anak ka ng nangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang magulang. Sana naman mag move on ka na Lucio maawa ka naman sa sarili mo. Kung buhay si Ana hindi gugustuhin mga ginagawa mo.’’ Pag alala ni ate Fe sa akin. ‘’Ate ang hirap kalimutan hindi ko kaya parang gusto ko na din magpakamatay ate Fe.’’ Hinaing ko sa kanya . ‘’Lucio isipin mo din sarili mo at ang anak mo kailangan ka niya bumangon ka sa madilim mong kahapon. Mas lalo ngayon kailangan ka ng anak mo dahil may sakit si Ashley.’’ Wika ni ate Fe sa akin. ‘’Ano? Anong nangyari kay Ashley ate Fe?’’ Gulat na tanong ko sa kanya ‘’May iniinda siya sa kanyang ulo ngayon ilang araw ng masakit kaya tawag kami ng tawag pero hindi ka namin ma contact.’’Paliwanag ni ate Fe sa akin. ‘’Pina check up nyo na ba ate sa doctor?’’ Tanong ko sa kanya ‘’Binigyan lang siya ng pain reliever pero okay na siya ngayon huwag kang mag alala. Kaya tibayin mo sarili mo Lucio para din kay Ashley.’’ Wika ni ate Fe sa akin. ‘’Opo ate pangako para kay Ashley ate Fe kakayanin ko.’’ Sabi ko sa kanya ‘’Asahan kita Lucio para sa anak mo. Ayusin mo na sarili mo para sumaya na din ang anak pag nakita ka. O sige na magpahinga ka at matulog Lucio. Bukas tatawag kami para naman kausapin mo si Ashley.”’ Paalala ni ate Fe sa akin. “Salamat ate sa pag intindi sa akin. Susubukan ko magbago para sa anak ko.” Sagot ko sa kanya. ‘’Ana tulungan mo naman ako maka move on at magpatuloy kami sa buhay namin ng anak mo. Panginoon bigyan mo ako ng lakas para sa amin at para alagaan ko ang anak ko.’’ Sambit ko habang nakatingala sa kalangitan. Maaga akong nagising para makapag linis ng bahay. Itinuon ko lahat ng gawain muna sa bahay para pagbalik ng anak ko hindi na makalat at malinis na. Dahan-dahan kong tinanggal angl mga damit ni Ana sa drawer ko at mga gamit niya nasa kwarto ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Inipon ko lahat ng gamit niya sa isang box at nilagay sa stock room. Inayos ko din ang kwarto ni Ashley para sa pagbabalik niya sa bahay. Pero hindi ko magawang tanggalin ang picture frame naming tatlo na nasa sala. Hinayaan ko na lang muna para sa anak ko baka hanapin niya. Biglang tumunog phone ko at agad kong dinampot ito. ‘’Hello, Ashley baby kamusta ka na?’’ Tanong ko sa kanya sa kabilang phone. ‘’Daddy, I miss you. Kailangan mo ako susunduin dito daddy gusto ko ng umuwi dyan miss na kita daddy.’’ Wika ni Ashley sa akin. ‘’Soon baby pupuntahan kita dyan. May aasikasuhin lang si daddy muna basta promise susunduin na kita soon baby.’’ Paliwanag ko sa aking anak. ‘’Promise daddy pupuntahan mo na ako dito kay tita Fe?’’ Tanong ni Ashley sa akin ‘’Yes baby I promise. So be a good girl for tita Fe. Tita Fe loves you Ashley.’’ Wika ko sa kanya ‘’ Opo daddy I Love tita Fe and i will be a good girl for her.’’ Sagot naman ni Ashley sa akin. ‘’OKay bye baby i love you.’’ Paalam ko sa kanya ‘Buti na lang napakabait ni Ashley marunong umintindi gaya ng mommy niya. Yan din ang namana niya kay Ana. Nang natapos na ako lahat pumunta na ako sa banyo para maligo. Nakita ko ang aking sarili sa salamin kailangan ko na palang magpagupit para na akong ermitanyo sa haba ng buhok at balbas ko. Kahit sino matatakot sa itsura ko kahit si Ashley baka hindi na niya ako makilala.. Nagmadali na akong naligo para pumunta na ako sa bayan para makapag gupit. ‘’Veda may iuutos pala ako sayo kailangan mong bayaran ang kuryente natin sa bayan.’’ Utos ng kanyang tsang Nenita. ‘’Opo tsang masusunod po.” Sagot ni Veda sa kanyang tsang Nenita. " Mga bilin ko dito Veda habang wala kami ni tsong Nolie mo. Huwag mong hayaan ang bahay at huwag kang mag lakwatsa. Umuwi ka agad mamaya pagkatapos mong magbayad ng kuryente.” Bilin ng kanyang tsang Nenita. "Opo tsang.” Sagot niya. "O tara na Nenita baka matagalan tayo sa biyahe.” Wika ni Nolie sa kanyang asawa. " Bilin ko sayo Veda baka makalimutan mo.” Ulit na sabi ng kanyang tsang kay Veda " Opo tsang . Tsang ikamusta mo na lang po ako kay tatay pagdating nyo po. Pakisabi miss ko na din po siya tsang.” Bilin ni Veda sa kanyang tsang. Hindi umimik si Nenita at naka tingin lang sa kanya. “Sige na alis na kami." Wika ni Nenita kay Veda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD