Chapter 2

1701 Words
Chapter 2 Veda's Pov, Napa unat ako sa sakit sa aking katawan hindi ko namalayan nakatulog pala ako kagabi sa pagod ko. Bumangon na lang ako para mag luto ng agahan. Nang natapos na ako nagluto ay inihanda ko na sa mesa ang agahan. ‘’Himala maaga kang nagising ngayon Veda.’’ Wika ni tsang Nenita sa akin. ‘’Hindi ko po namalayan ka gabi tyang nakatulog po ako kagabi kaya maaga na po akong nagising para magluto ng agahan.’’ Wika ko kay tsang Nenita “Buti naman para hindi ka na naman ma sermunan ngayon. Nagkukusa ka ng gumising dito .Ganyan dapat makiramdam ka dahil pinapalamon ka lang dito .” Wika ni tsang Nenita sa akin. Yumuko na lang ako sa mga sinabi niya sa akin. “Oh may agahan na? Parang ang aga atang nagluto ni Veda ng agahan ngayon?’’ Tanong ni tsong Nolie kay tsang Nenita. ‘’Mabuti nga maagang nagluto siya halika na mag almusal na tayo Nolie.’’ Aya ni tsang Nenita sa kanya . Nagtungo ako sa gilid ng lutuan para doon pa simpleng kumain para lagyan lang ang aking lkumakalam na sikmura. Nagmamadali na akong kumain baka tawagin na naman ako ni tsang para utusan. Saktong natapos silang kumain ay natapos na din akong kumain. ‘’Veda! Veda!’’ Tawag niya sa akin. Nagmamadali akong nagtungo sa kinaroroonan ni tsang . ‘’Magligpit ka na dito paka tapos pumunta ka ult sa palayan para ituloy mo ginagawa mo doon.’’ Utos ni tsang Nenita sa akin. ‘’Opo tsang pagkatapos ko dito.’’ Sagot ko sa kanya Tumayo sa tsang Nenita at nag tungo sa kanilang kwarto. Dali-dali na akong nagliligpit ng pinagkainan nila at dinala ko ang mga plato sa lababo para maghugas . Natapos na akong naglinis sa kusina nagmamadali na din akong magbihis para makapunta na agad sa palayan. Lucio’s Pov ‘’Mommy bakit napaka aga mo kaming iniwan ni Ashley. Paano na kami nito Ana? Sobrang sakit para sa amin ng anak mo na mawala ka sa amin. Hindi ko na alam kung paano kami ngayon ng anak mo. Hindi ko tanggap Ana na maaga mo kaming iniwan dahil sa lintik na sakit na yan. Bakit mo kasi inilihim sa akin na malala na pala ang sakit mo. Ana mahal na mahal kita hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano kami ni Ashley ngayon at paano kami mamuhay na wala ka na.Nawalan na din ako ng gana sa buhay dahil sa pagkawala mo.’’ Paghihinagpis ko sa harapan ng kabaong ng asawa ko. ‘’Daddy si mommy iniwan na tayo. Paano na po tayo daddy?’’ Tanong ni Ashley sa akin habang umiiyak. “Anak tanggapin na lang natin na wala na si mommy Ana totoo masakit din sa akin na wala na si mommy pero kailangan natin tanggapin na wala na siya Ashley.’’ Paliwanag ko sa anak ko. Niyakap ko ng mahigpit si Ashley habang iyak ng iyak dahil sa pagkawala ng mommy niya. ‘’Ashley magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Alam ko wala ka pang pahinga ngayon.’’ Wika ni Fe na kapatid ko. ‘’Sige na Ashley magpahinga ka muna anak. Si daddy na bahala magbantay muna dito kay mommy.’’ Wika ko sa anak ko. ‘’Lets go na Ashley go to room na muna.’’ Aya ni Fe sa kanyang pamangkin. “Salamat ate pakisamahan na lang si Ashley para makapag pahinga.” Wika ko kay ate Fe. “Sige Lucio ako na bahala sa kanya.”Sagot naman ng kapatid niya. Sinamahan ni Fe si Ashley sa kwarto nya para magpahinga. Biglang nagsidatingan ibang kaibigan namin sa burol ng asawa ko. “ Lucio condolence.” Wika ni Agustin sa akin “Salamat pre sa pag punta dito sa burol ng asawa ko.” Wika ko kay Agustin. “Ano bang nangyari pre? Malubha ba ang sakit ni Ana?” Tanong ni Agustin sa akin. “Itinago niya ng matagal ang malubhang karamdaman niya. Sa sobrang sobsob ko sa trabaho hindi ko man lang naitanong kung okay siya o may iniinda siyang sakit sa katawan niya. Bigla na lang isinugod sa ospital yun pala nag aagaw buhay na pala siya noong tumawag sa akin ang nurse. Kasalanan ko lahat Agustin pinabayaan ko na akala ko okay lang sila dito tapos malalaman mong huli na ang lahat. Hindi ko man lang siya naka usap sa huling sandali ng hininga niya Agustin. Kasalanan ko ang lahat .” Hagulgol kong sabi kay Agustin. “Lucio huwag mong sisihin sarili mo. Bak ayaw lang ipaalam ni Ana ang sitwasyon niya para hindi siya maging pabigat sayo. Alam niya ikaw kumakayod sa pagtatrabaho para sa future ninyo. Ang mali lang niya hindi siya nag sabi para sana maagapan pa ang sakit ni Ana.” Wika ni Agustin sa akin. “Sinisisi ko lahat sa akin Agustin kasalanan ko. Pati anak ko nawalan ng ina ng dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko mapapatawad sarili ko Agustin. Ang sakit mawalan ng minamahal lalo na si Ana. Mahal na mahal ko siya bakit kasi hindi ko na isip yun . Sana buhay pa siya kung nalaman ko agad na may sakit pala siya sa puso.” Hagulgol kong sabi kay Agustin. “ Lucio huwag mo ng eh sisi sayo hindi mo naman alam na ganito ang mangyayari. Ipagdasal na lang natin si Ana ngayon. Hindi na din siya makakaramdam ng sakit kasi nasa piling na siya ng panginoon. Kung saan man siya ngayon malungkot din siya pag yan nasa isip at sinisisi mo ang sarili mo.” Wika ni Agustin sa akin. Dalawang araw nakalipas inihatid na sa huling hantungan ang asawa ko. Awang awa ako sa anak ko dahil walang tigil sa pag iyak dahil sa kanyang mommy. “Mommy! Mommy! Bakit mo kami iniwan ni daddy mommy!” Hagulgul na iyak ni Ashley sa ataul ni Ana. Ibinaba na ang ataul ni Ana sa hinukay na lupa. Hindi na mapigilan ang pag iyak ni Ashley ng ibinaba na ang ataul ni Ana sa ilalim ng lupa. Nang nailibing na si Ana ay nag alisan na mga ko nakilibing sa cementeryo. “Daddy si mommy po wala na hindi na natin makikita si mommy daddy.” Paghikbi hikbi sabi ni Ashley sa akin. “Tayo na anak uwi na tayo. Tanggapin na natin wala na ang mommy Ana mo Ashley.” Paliwanag ko sa kanya Inalalayan ko si Ashley at sumakay na kami sa koste para makauwi na sa bahay. Nang nakarting na kami sa bahay ay diniretso ko na si Ashley sa kanyang kwarto para magpahinga na muna. “Kuya kamusta si Ashley?” Tanong ni ate Fe sa akin. “Nakatulog na ate sa kakaiyak niya hindi niya matanggap na wala na ang kanyang mommy.” Wika ko kay ate Fe. “Nakakaawa ang bata Lucio hindi siya sanay wala ang kanyang mommy lalo na siya lagi kasama niya.” Wika ni ate Fe sa akin. “Sana nga maka recover si Ashley ate at matanggap wala na ang mommy Ana niya.” Sabi ko naman sa kanya. “Ikaw muna bahala ate Fe ko kay Ashley.” Wika ko sa kanya. " Anong ibig sabihin mo Lucio?” Tanong ni ate Fe sa akin. "Ate Fe makikiusap sana ako sayo kung pwede doon muna si Ashley sa bahay nyo ikaw muna mag aalaga." Pakiusap ko sa kanya. “Gulong-gulo ako ngayon baka hindi ko ma alagaan anak ko baka mapabayaan ko lang siya dahil sa sitwasyon ko ngayon ate. Sana maintindihan mo ako ate Fe. Bigyan mo muna ako ng space ate kasi parang wala din ako sa sarili dahil sa pagkawala ni Ana sa buhay namin.” Dagdag kong pakiusap sa kanya “Okay sige doon muna sa akin si Ashley pansamantala aalagaan ko muna siya doon sa bahay. Pero huwag mong pabayaan sarili mo alalahanin mo may anak ka pang umaasa sayo Lucio.” Wika ni ate Fe sa akin. “Salamat ate Fe sa pag intindi sa akin." Wika ko sa kanya. “Bukas na bukas dadalhin ko na si Ashley sa Manila para doon na muna siya kasama ko ." Wika ni ate Fe sa akin. “Sige po ate Fe salamat po." Ani ko . Nagpunta ako agad sa terrace at kumuha ng alak para inumin. Habang iniinom ko ang alak ay napapaluha ako nakatingin sa labas ng bahay. "Lord! Bakit nangyari sa amin ito? Saan ba ako nagkulang kung bakit kinuha mo agad ang mahal ko? Paano na kami ang hirap mamuhay ng ganitong sitwasyon bakit ganito lord? Kailangan ko ng sagot kung bakit?” Tanong ko sa kanya habang umiiyak “Ahhhh! Ahhhh!” Sigaw ko na inis na inis ako nagtatanong kung bakit ganun. Napaluhod na lang ako sa kakaiyak na ayaw kong makita ng anak ko na mahina ako. Kinabukasan… “Ashley, anak doon ka muna kay tita Fe mo muna baby habang may inaasikaso si daddy. Promise pupuntahan kita doon pag okay na baby.” Paliwanag ko kay Ashley “Why daddy ayaw nyo na po ba sa akin? Bakit pinapasama nyo na po ako kay tita sa Manila? Paano na po ako daddy? Ayokong mawalay sayo daddy? Please!” Pakiusap ni Ashley sa akin na umiiyak. “ No anak mahal na mahal kita doon ka muna kay tita Fe may aasikasuhin lang ako pupuntahan naman kita doon soon anak magkasama ulit tayo.” Paliwanag ko sa kanya. “Promise daddy?” Tanong ni Ashley sa akin. “Yes baby pupuntahan kita doon baby promise. I love you baby.” Wika ko sa kanya sabay yakap sa kanya. “ Ate Fe ikaw muna bahala sa kanya alagaan mo si Ashley ate Fe. Salamat sa pag intindi.” Wika ko sa kanya. “Okay Lucio promise aalagaan ko siya itinuturing kong anak si Ashley.” Wika ni ate Fe “Okay na Ashley let’s go na. Ma late na tayo sa flight natin.” Wika ni ate Fe kay Ashley “Bye daddy i love you daddy.” Paalam ni Ashley sa akin. Sumakay na sila ni Ashley at si ate Fe sa sasakyan saka nagtungo sa airport. Nang umalis na sila ay doon bumuhos ang luha ko ng mawalay ang aking anak na si Ashley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD