Chapter 1

1714 Words
Chapter 1 Tumayo ako sa pagka upo at dahan-dahan kong isinuot ang pang ibabang suot ko. Nakita ko ang bakas ng dugo sa pants na higaan ko. Iyak ako ng iyak dahil sa ginawa sa akin ni kuya Banjo. Ramdam ko ang nginig at takot sa nangyari sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon. Gusto kong mag sumbong sa nangyari sa akin ngunit binantaan niya akong papatayin pag may naka alam sa nangyari sa amin. Pinunasan ko ang mga patak ng luha ko sa aking mga pisngi at umupo sa kinaroroonan ko. ‘’Panginoon bakit po nangyari sa akin ito? May mga kamag anak nga ako pero bakit nangyayari sa akin ito?’’ Na patanong ako bigla habang umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan ang pag iyak dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. ‘’Veda! Veda! Nasaan ka ba bakit wala ka pang nasisimulan na trabaho dito!’’ Sigaw ni tsang Nenita na nagmumula sa gitna ng palayan. Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan-dahan tumayo para makaalis sa kinaroroonan ko. Nagmamadali akong nag tungo agad sa pilapil at pinuntahan agad si tyang Nenita. ‘’Tsang, naghanap po kasi ako ng madumihan masakit po kasi tyan ko kanina.’’ Alibay ko sa kanya. ‘’Wala ka pa talagang nasimulan dito? Ang aga mong umalis kanina pero wala kang nagawa? Napaka kupad mong inutil ka! Manang mana ka sa nanay mong namatay! Wala kang silbi hindi ka makakatulong dito. Sayang lang pinapakain namin sayo.’’ Galit na pagkasabi ni tsang sa akin. Dali-dali akong umupo at nagbubunot ng mga ligaw na damo sa palayan. Hindi na ako sumagot sa pag sesermon ni tyang Nenita sa akin. “Hindi ka aalis dito hangganga’t hindi mo matapos itong pinapagawa ko sayo.’’ Sabi ni tsang sa akin. Umalis na si tyang Nenita at iniwan niya akong mag isa gitna ng palayan. Ginawa ko ang mga utos ni tyang Nenita para matapos hanggang hapon itong ginagawa ko. Habang nagbubunot ako ng mga ligaw na damo ay tumutulo mga luha ko. Wala akong magawa kundi sundin ang mga pinag uutos nila sa akin dahil nakikitira lang ako sa kanila. ‘’Bwisit maagang umalis ng bahay walang na gawa sa palayan kung anong pinag gagawa.’’ Makto ni tyang Nenita habang papasok sa bahay nila. ‘’Oh kay aga naman mainit na naman ulo mo dyan Nenita? Sino kaaway mo na naman?’’ Tanong ni tsong Nolie kay tsang Nenita. ‘’Yung bwisit kong pamangkin ayon wala pang nagagawa doon sa palayan natin. Lagi na lang pinapainit ulo ko yang katangahan ng anak ni Manuel.’’ Inis na sabi ni tsang Nenita sa kanyang asawa. ‘’Alam mo Nenita lagi ka na lang nagagalit dyan sa bata na yan anak naman sana ng kapatid mo. Dapat mahalin mo nga o ituring mong anak dahil wala tayong anak na babae .’’ Wika ni tsong Nolie sa kanya. ‘’At bakit ko naman ituturing anak yan ni hindi nga kamukha ng kapatid kong si Manuel. Baka nga anak yan sa ibang lalaki at ipinasalo sa kapatid ko. . Ni lukso ng dugo hindi ko maramdaman dyan sa bata na yan. Kung hindi pa naka usap si Manuel sa akin matagal ko ng pinalayas yang babae na yan.’’ Wika ni tsang Nenita sa kanyang asawa. ‘’Kahit na Nenita nakakaawa naman din ang bata lagi mo na lang ginaganyan. Halos araw-araw mong minamaltrato si Veda.’’ Sagot naman ni tsong sa kanyang asawa. ‘’Ewan ko ba kulong kulo talaga dugo ko dyan pag nakikita ko. Tapos napaka tanga din kaya maslalong naiinis ako sa kanya habang nakikita ko siya dito.’’ Wika ni tsang sa kanyang asawa. ‘’Para kang timang talaga Nenita ugali mo talaga hindi maintindihan.Bahala ka nga sa buhay mo.’’ Wika ni tsong Nolie sa kanya Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Banjo sa loob. ‘’Buti naman umuwi ka pa naalala mo pa na may magulang kang naghihintay sayo dito.’’ Wika ng kanyang ina kay Banjo. ‘’Ano naman kadramahan yan nay! Boses nyo naririnig ko kayo sa labas.’Putak kayo ng putak kay aga.’’ Wika ni Banjo sa kanyang ina. ‘’Paano yung pinsan mo walang nagawa sa palayan pinuntahan ko doon walang bakas na trabaho kay agang umalis dito walang na trabaho doon.’’ Wika ni tsang Nenita kay Banjo. ‘’Pumunta kayo doon nay?’’ Gulat na pagtatanong ni Banjo sa kanyang ina. ‘’Oo pinuntahan ko abay wala akong nadatnan doon. Nasa kakahuyan pala siya ewan ko kung totoo naghanap daw ng mababanyuhan kaya nandoon daw siya o nag aalibay lang siya para makaiwas sa trabaho.’’ Sagot ni tyang Nenita kay Banjo. ‘’Hayaan nyo na yun nay huwag mong maltratuhin masyado si Veda dalaga na yun.’’ Wika ni Banjo sa kanyang nanay. ‘’Pabayaan kamo? Hindi pwedeng pabayaan na lang yun dahil nakikitira lang siya dito sa pamamahay ko kailangan niyang pagtrabahuin bawat kinakain niya at pagtira niya dito sa atin,’’ Wika ni tsang Nenita kay Banjo. ‘’Bahala ka na nga nay gusto kong matulog sumasakit ulo ko sa inyo.’’ Sabi ni Banjo sa kanyang nanay. Nagtungo agad si Banjo sa kanyang kwarto saka nagpahinga sa loob. ‘’Pare-pareho kayong nilalabanan nyo yun babae na yun wala naman siyang nagawa kundi sakit lang naman sa ulo.’’ Maktol ni tsang Nenita ng iniwan siya ni Banjo sa sala. Nagmamadali na akong nagbubunot ng ligaw na damo sa palayan. Kailangan kong matapos hanggang takip silim. Tiniis ko ang gutom para lang matapos ang ginagawa ko. Hanggang umabot na ng hapon hindi ko kayang tapusin ang isang kahon ng palayan. ‘’Aray, Ang sakit ng likod ko parang mababali ata itong balakang ko.’’ Ani ko sa sarili. Hindi ko pala namalayan malapit ko ng matapos ang isang kahon na bunutan ng ligaw na damo. Naglakad na ako papuntang kalsada para makauwi na din sa bahay. “Banjo saan ka na naman pupunta? Magha hapunan na tayo ngayon maghahanda lang ako sa mesa.” Wika ni tsang Nenita kay Banjo. "Aalis na ako nay may pupuntahan pa ako. Hindi naman ako nagugutom nagpahinga lang ako kaya umuwi ako.” Wika ni Banjo sa kanyang ina. "Samahan mo naman kami ng ama mo matagal ka na din namin hindi nakakasabay sa pagkain.” Wika ni tsang Nenita sa kanyang anak. “Nay hindi pa ako gutom at saka may lakad ako importante. Pwede naman kayo maghapunan ng wala ako nay kayo ni tatay at si Veda." Wika ni Banjo sa kanyang ina. “Pero anak." Wika ni tsang Nenita sa kanyang anak. “Alis na ako nay sa susunod na lang pangako ko sa inyo." Wika ni Banjo sabay bukas ng pinto at lumabas ng bahay. Malapit na akong makarating sa bahay ng makita ko si kuya Banjo makakasalubong ko. “Veda bakit ngayon ka lang?” Tanong ni kuya Banjo sa akin. Hindi ko siya pinansin ng tinatanong niya ako. Biglang hinila niya braso ko para ilapit sa kanya. “Hoy Veda subukan mong magsumbong kala nanay baka gusto mong mapaaga ang buhay mo." Pagbabanta ni kuya Banjo sa akin na nagngingit ngit sa galit sa akin. Nakaramdam ako ng takot at pangamba sa sinabi niya sa akin. “Opo kuya Banjo hindi po ako magsusumbong kuya pangako. Huwag mo ng gawin sa akin ulit kuya nagmamakaawa ako sayo kuya Banjo." Pakiusap ko sa kanya. "Umuwi ka na basta sa bahay basta sinabi ko sayo huwag kang magsusumbong kahit kanino.” Wika niya sa akin. Patango tango ako sa kanya sa takot ko baka saktan ako. “Opo kuya uuwi na ako." Sabi ko sa kanya. Binitawan niya ako at mabilis akong tumakbo pauwi sa kanilang bahay. Nagmamadali akong naglakad para makarating agad sa bahay. Nang nasa harapan na ako ng bahay ay pinunasan ko ang aking mga luha para hindi mahalata ni tyang Nenita. Binuksan ko ang pinto at saka pumasok sa loob. “Magandang gabi po tyang.” Pag bati ko sa kanya. "Oh umuwi ka pa! Dapat doon ka na lang na tulog para tapusin mo yung ginagawa mo doon Veda.” Wika ni tyang sa akin. “Malapit na din akong matapos doon tyang kaunti na lang at matatapos ko na din po yun." Sagot ko sa kanya “Nenita ano naman yan tumahimik ka na nga kita mo na pagod na ang bata sinesermonan mo pa. Maawa ka naman sa kanya nakakapagod kaya doon tapos na sa tirik na init pa. Papahingain mo kaya si Veda muna.” Wika ni tyong Nolie sa kanya. "Magandang gabi po tyong.” Pagbati ko sa kanya. “Magpahinga ka na Veda tapos kumain ka na din. Alam kung gutom na gutom ka na.” Wika ni tsong Nolie sa akin. "Sige po tyong magpapahinga muna ako mamaya na lang po ako kakain pag nakapahinga na po ako.” Sagot ko kay tsong Nolie. "Ayan kaya lumalaki ulo itong babae na ito kasi nilalabanan mo.” Pabulyaw ni tyang kay tsong Nolie. “Manahimik ka nga Nenita napaka ingay mo." Wika ni tsong sa kanyang asawa. Nagtungo na ako sa sulok na kinatulugan ko para mag pahinga muna ako saglit. “Kumain na nga tayo Nenita para manahimik ka na gutom lang yan ata pagbubunganga mo.” Wika ni tsong habang naririnig ko pa silang nagtatalo sa hapag kainan. "Bakit mo kinakampihan yang babae na yan? May gusto ka ba dyan Nolie kung bakit lagi mo na lang pinagtatangol yang babae na yan? Sumagot ka Nolie baka ihagis ko itong plato sa pagmumukha mo.” Sigaw ni tyang Nenita sa kanyang asawa. "Tumahimik ka na nga Nenita nasa hapagkainan tayo. Wala kang respeto kahit nasa harapan tayo ng pagkain.” Wika ni tyong Nolie sa kanya " Ah basta naiirita ako dyan sa babae na yan.” Sigaw ni tyang sa kanyang asawa. Tinakip ko na lang ang dalawang tenga ko para hindi ko marinig mga sinasabi nila tungkol sa akin. “Nanay, sana nandito ka hindi ko na alam gagawin ko. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko dito sa kamag anak ni tatay.” Sambit ko habang tumutulo mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pag luha ng aking mga mata dahil sa sinapit ko ngayon. Ramdam ko ang takot para sa sarili ko dahil sa mga nangyayari sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD