Isang linggo nang hindi nagpapakita si Valerian kay Alorna. At dahil doon, para siyang nahihibang kaiisip sa dating asawa. Hindi siya makatulog. Palagi niyang naiisip si Valerian. "Kainis! Argh!" sabi niya sabay sabunot sa sarili. Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang hindi makita si Valerian. Hindi na niya kaya pang lokohin ang kanyang sarili kung kaya naman kinuha niya ang kanyang cellphone at saka nag-type. To: Valerian Nasaan ka? Kumusta ka? Huminga siya ng malalim bago pinindot ang sent button. At pagkatapos, humiga siya sa kama habang naghihintay ng reply ni Valerian. Pero makalipas ang isang oras, wala pa ring reply. Kinagat ni Alorna ang pang-ibaba niyang labi at saka mariing pumikit. "Nasaktan siguro siya sa mga sinabi ko. Baka ito na talaga iyon. Ito na talaga ang huli

