Pagkatapos ng ilang kanta at masyadong matinding exposure sa dance floor ay hindi na kinaya ni Alorna ang bigat ng pakiramdam niya. She needed to breathe. She needed space. Tumayo siya mula sa mesa nila ni Jefferson at dahan-dahang lumayo. Ayaw niyang magmukhang weak o halatang naapektuhan sa nakikita niya. Pero sa loob-loob niya parang hinihigpitan ang dibdib niya. Dumiretso siya sa isang tahimik na bahagi ng venue na malapit sa balcony. Humigop siya ng malalim na hangin. 'Calm down, Alorna. Don’t let him get into your head. Hindi ka na niya asawa. He doesn’t have the right…' Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa mga iniisip, narinig niya ang isang pamilyar na boses sa likuran. Malandi, mayabang at matinis ang boses. “Alorna.” Napapikit siya saglit bago lumingon. Nakatayo roon si

