8

1196 Words

Tahimik ang mansyon. Tanging mahinang ugong ng aircon at tunog ng wall clock ang naririnig. Pagpasok ni Valerian mula sa trabaho hindi niya maiwasang mapansin ang kalawakan ng sala. Malinis. Organisado. At walang kalat. Wala ring mga bagay na dati’y abot-kamay lang. Wala na ang maliit na paso ng halaman sa tabi ng bintana na madalas niyang punahin dahil daw nakakasagabal sa tanawin. Wala na rin ang amoy ng nilulutong pagkain na kahit kailan hindi niya tinikman. Lumakad siya papunta sa kusina, binuksan ang ilaw. Walang nakahandang pagkain. Wala ring boses na sumasalubong sa kanya, wala ang maaliwalas na tawa ni Alorna. Noon naiinis siya sa ingay na iyon. Ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit parang mas nakakabigat ang katahimikan. Umupo siya sa mesa, kinuha ang isang basong tubig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD