MAINIT ANG SIKAT NG ARAW nang dumating si Alorna sa café kung saan sila nagkita ni Jefferson kahapon. Gusto niyang ipagpatuloy ang plano nila at mas lalo na ngayong kailangan na nilang maging consistent sa “fake marriage” na gagawin nila. Nakaupo na si Jefferson sa sulok, nakasuot ng simpleng polo at naka-laptop. Halatang may hinihintay. Ngumiti si Alorna nang makita ang binata. “Sorry, traffic. May pila pa sa parking.” Umangat ang tingin ni Jefferson at ngumiti rin. “It’s fine. At least andito ka na. Ready ka na ba sa phase two ng plano natin?” Huminga ng malalim si Alorna at umupo. “Oo. Kailangan kong magmukhang masaya. Kailangan makita ni Valerian na I’ve moved on.” “Sigurado ka ba dito, Alorna?” seryoso ang tono ni Jefferson. “Hindi biro ang gagawin natin. Baka lumala lalo kapag

