Tatlong araw ang mabilis na lumipas mula noong dumalaw si Alorna sa puntod ni Jana. Sa loob ng tatlong araw na iyon alam niyang may bigat sa dibdib ni Valerian. Hindi ito madalas tumawag o mag-text gaya ng dati. Hindi rin tulad ng mga nakaraang linggo na halos hindi siya tinatantanan ng lalaki sa pagpaparamdam. Tahimik ito. Malamig. Para bang may iniisip na hindi niya kayang ipaliwanag. Pero ngayon, nagbago ang lahat. Nasa isang staycation house sila sa Tagaytay. Malayo sa lungsod, malayo sa gulo ng opisina at malayo sa mga matang nakamasid. Sa halip na pressure at pag-aalala, ang bumalot kay Alorna ay ang lamig ng hangin ng lalaking minahal niya noon at muling minamahal ngayon. Nakatayo siya sa balkonahe at nakatanaw sa kabundukan na balot ng ulap. Ang lamig ay pumapasok sa kaniyang bal

