Tatlong araw na ang lumipas mula noong huling gulo sa opisina. Pilit na nagbabalik sa normal si Alorna, pero hindi pa rin niya maiwasang manginig tuwing naiisip ang halik na muli na namang ninakaw ni Valerian. Sa kabila noon, hindi siya iniwan ni Jefferson. Lagi itong nasa tabi niya. Kasama sa lunch, ihahatid-sundo mula opisina at kahit sa simpleng grocery, palaging nandoon. At doon siya nakakahanap ng kaunting kapayapaan. Ngunit sa gabing iyon, habang palabas silang dalawa mula sa isang restaurant, isang itim na kotse ang biglang huminto sa harapan nila. Bumaba si Valerian. Nakasuit pa rin ito, parang galing sa isang meeting pero mas mabangis ang aura niya kaysa dati. Nakatitig agad sa kamay ni Jefferson na nakahawak sa braso ni Alorna. “So this is what you’ve been doing these past t

