Chapter 139 Cataleen’s Pov UMAGA ngayon kaya nandito kami sa labas ni Caeus. Nagpapasikat kami ng araw. Pangatlong araw na akong nakatira dito sa bahay ni sir Remus. Tatlong beses na rin siyang natutulog sa tabi ko. Nagugulat talaga ako sa kanya kaya natutulog nalang ako ulit. Paggising ko sa umaga ay kami nalang dalawa ni Caerus ang magkatabi. Gusto ko sana siyang sumbatan pero nahihiya naman ako. Hindi ko kasi alam kung anong itatanong ko sa kanya. Alangan namang itanong ko kung bakit siya natutulog sa tabi ko at nakayakap sa akin. Tumatakbo lang si Caerus sa damuhan kaya pinapanood ko lang siya. Binabantayan ko at baka madapa. “Mag-iingat ka sa pagtakbo, baby Caerus. Baka madapa ka.” Sabi ko sa kanya kaya tumawa lang ito at tuwang tuwa na tumatakbo. Ilang sandali pa ay biglan

