Chapter 138 Cataleen’s Pov MALAYO din pala ang bahay ni sir Remus kaya ang tagal naming nakarating. Hapon na kami nakarating sa bahay niya at ang sakit ng pang-upo ko. Huminto din kasi kami sa isang restaurant kanina para kumain dahil baka magutom daw ako. Konting konti nalang talaga ay aakalain ko ng may gusto siya sa akin dahil napaka maalalahanin niya. Ngayon pa lang ay naiingit na ako sa asawa niya. Nang makarating nga kami sa bahay niya ay namangha ako dahil ang laki ng bahay niya. Yung gate ay ang taas. Ang lawak din ng bakuran niya at sa gilid no’n ay may kubo. Ang laki ng bahay at may mga lalaking nakatayo na para bang nagbabantay. Automatic pa na bumukas ang gate kaya pinausad ni sir Remus ang sasakyan niya. Panay naman ang tingin ko sa labas ng bintana. Para kasing pamilyar

