Chapter 134 Cataleen’s Pov NAGISING ako dahil sa ingay ng nanay ko at sa kausap niya. Maaga akong nakauwi kanina dahil may bumili ng paninda ko. Isang poging may kulay abo ang mata. Dahil sa pagtulong niya sa akin ay nakauwi ako ng bahay at nakapagpahinga. Bigla ko tuloy naalala ang mukha ng gwapong lalaki. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganun ka gwapong lalaki sa buong buhay ko. Pero pansin ko lang sa mga mata niya na para bang nangungulila siya. Hindi ko mapangalanan ang napapansin ko sa mga mata niya. Tumayo na lamang ako sa kinahihigaan ko at agad akong lumabas sa kwarto ko. Walang pintuan na nakaharang kundi kundi kurtina lamang. Nang makalabas ako ay nakita ko ang kausap ni nanay, si nanay Linda pala. “O, nandito ka na pala, Milagros.” Sabi sa akin ni nanay Linda. Lumapit

