Chapter 135 Cataleen’s Pov NALAMAN kong papunta dito sa bahay namin ni Nanay ang lalaking may pangalan na Desmond. Kaya kinausap ko si Nanay at sinabi ko sa kanya na aalis ako. Ayaw ko kasi siyang kausapin. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Hindi ako handang makinig sa sasabihin niya na kilala niya ako. Ayaw kong makita ang mga pruweba niya. Dumaan ako sa likod bahay namin ni Nanay. Naisipan ko nalang na pumunta sa plaza. Doon na lang muna ako tatambay. Kayang lakarin mula dito sa bahay. Sana lang ay wag akong hintayin ng lalaking ‘yun. Sana pag uwi ko mamaya sa bahay ay nakaalis na siya. Ayaw ko talaga siyang makita eh. Mas gusto kong makita ay ‘yung lalaking may kulay abo ang mata. Nakarating ako sa plaza at naghanap lang ako ng mauupuan. Maraming tao kasi ang nandito.

