Chapter 136 Cataleen’s Pov PALAPIT na ako sa mga kabahayan na mga kamag-anak ni Nanay. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko at baka makita ko ang lalaking ‘yun. Gusto ko kasing makasigurado na nakaalis na ang lalaki sa bahay namin. Nagawa naman siguro ng palusot ni nanay ang pag-alis ko. Una kong nakita ang bahay ng pamangkin ni Nanay. Gusto ko sanang dumaan sa bahay nila dahil close ko din naman sila, tinuring na kasi nila akong tunay na pamilya. Sa lugar na ‘to kung saan nakatirik ang bahay ni Nanay ay lahat ng kapitbahay niya ay mga kamag-anak niya. Maliit lang din ang mga bahay nila tulad ng kay nanay. Napahinto ako sa paglalakad at iniisip kung daan muna ba ako o deritso na akong uuwi. Pero naisip ko na baka nando’n pa ang lalaking ‘yun sa bahay kaya pumasok na muna ako sa bah

