Dumeretso kami ng mansion pagkatapos naming ma-discharge sa hospital. Parang namatayan ang loob ng mansion dahil sa sobrang tahimik nang dumating kami. "Ate, nakakalungkot naman. Sana maibalik pa sa dati ang saya at magandang samahan sa mansiong ito," malungkot na sabi ko sabay buntong-hininga. "Oo nga, nakapanghihinayang talaga. Mula nang dumating dito ang bruhang Vanilla sa mansion, naging magulo na ang lahat lalo na nang malaman niyang buntis ka. Malaki ang inggit niya sa iyo," wika naman ni Ate Sparkle. "Insecure pala ang impaktang iyon kay Garlic dahil hindi na siya mabubuntis, eh paano mayroong deperensiya ang matris nito kaya hayun, nagseselos at sobrang insecure. Kung ako kay Sir Peanut, tuluyan ko na talagang hiwalayan iyang Vanilla na iyan, panis na panis ang ugali!" malakas n

