Chapter 68

3026 Words

Atoy's POV Pinirmahan na ni Maam Butter ang mga papeles. Nanginginig naman si Nay Sofie habang nagmamakaawa at umiiyak sa harapan nito ngunit tila matigas na ang puso niya. Lumuhod pa si Nay Sofie sa harapan ni Maam Butter at nakahawak sa mga binti nito kaya natigilan siya. Tila nakaramdam siya ng awa sa mga palahaw at pagsusumamo ni Nay Sofie. "N-Nay tumayo po kayo riyan. Hayaan na po ninyo si Maam Butter kung iyan ang paniniwala niya. Huwag na po ninyong gawin iyan, Nay." Nilapitan ko siya at inalalayang makatayo. Awang-awa ako sa kaniya habang umiiyak. "Buong buhay akong magsisilbi sa mansion kahit walang bayad. Huwag lang po ninyong ipakulong si Atoy, Maam. Hindi ako mapapagod sa pakikiusap sa inyo, kapatid po ninyo si Atoy, maawa po kayo sa kaniya," umiiyak pa ring pakiusap niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD