"Tita!" Sinalubong ko siya kaagad at saka inalayang makalapit sa kinaroroonan nina Nay Sofie at Barbara. Hindi pa rin naalis ang titigan nilang dalawa na tila bang kaytagal nilang magkakilala. "Tita, siya nga pala si Nay Sofie. Siya po ang ikinuwento ko sa iyong nag-ampon sa akin. Napakabait po nitong ina ko, kahit hindi siya ang tunay kong nanay pero mahal na mahal niya po ako. Ito naman si Barbara, ang nakatatanda kong kapatid," pagpapakilala ko sa kaniya. "Nay, siya naman po si Tita Bith, nagkakilala po kami sa isang mall." Ibinababa na ni Nay Sofie ang kaniyang tingin. Napansin kong nakailang lunok na siya ng kaniyang laway. "Nay? Okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kaniya. "Ah...o-oo, okay lang ako A-Atoy. S-sige, hindi na kami magtatagal ni Barbara. M-may pupuntahan pa kasi si

