Hindi na ako mapakali habang kumakain. Samantalang si Atoy ay nakita ko kung gaano kasaya ang kaniyang mukha. Paminsan-minsan ay nagseseryoso rin siya lalo na kapag kaharap niya ako. Naisip kong sana naging si Sir Peanut na lamang si Atoy. Alam kong hindi lamang ambisyon ang naramdaman ko sa anak ng amo ko kung hindi mas higit pa roon. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito sa buong buhay ko, kaya kahit wala akong alam sa buhay-pag-ibig, hindi ko napigilan ang ginawa ni Sir Peanut sa akin noon nang angkinin niya ako, subalit paulit-ulit niya akong sinasabuyan ng masasakit na salita. Mababa ang tingin niya sa akin. Inaakala niyang may nangyari rin sa amin ni Atoy. "Garlic, parang hindi ka yata kumakain, ayaw mo ba ng luto namin para sa kaarawan mo?" pukaw sa akin ni Atoy. Nasa tabi ko si

