Atoy's POV Pagkatapos ng kaarawan ni Garlic, umuwi akong naghahalo ang emosyon. Masaya ako dahil naidaos kahit papaano ang kaniyang kaarawan. Nalulungkot naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa pagitan nina Sir Peanut at saka ni Garlic. 'Yong mga tinginan nilang dalawa na parang may mga ibig sabihin. Ewan ko pero parang iba ang kutob ko. Hindi ako naniniwala sa paliwanag niya kanina. Pakiwari ko, may sinabi talaga sa kaniya si Sir Peanut. Gusto ko sanang alamin kaso nga lang nagmumukhang pakialamero na yata ako. "Bakit kaya, laging galit si Sir Peanut sa akin? May nagawa ba akong mali sa kaniya?" Hindi ko mauunawaan pero parang iba na yata ang pagtrato niya sa akin simula nang dumito na sa mansion si Garlic. Dati-rati, kapag makasalubong ko siya sa mansion, kadalasan na

