Hinila ko si Garlic palayo sa kinaroroonan nina Nanay Sofie. Paika-ika pa siyang lumakad habang hawak-hawak ang mop. "Hah, ikaw talaga parang hiningal ako sa ginagawa mo. Ano ba ang ginagawa mo roon sa kinatatayuan mo, ha? Aba, siguro nakikiusyuso ka sa pinag-uusapan nina Nay Sofie at Ate Royal, ano?" sabi niya sa akin na nakangiti pa. "Huwag kang maingay, Garlic. Ikaw talaga, kahit kailan, ang kulit mo. Siya nga pala, kumusta ka na, ha?" "Ob course, I stay beautiful and wonderful." "Beautiful ka ngang talaga." "Iyan talaga ang maganda sa 'yo dahil suportado mo ako, Atoy." "Oo na. Ikaw pa. O, heto, may dala pala akong hilaw na mangga at saka mansanas para-" "Hilaw na mangga? Naku, salamat Atoy, takam na takam na talaga akong kumain niyan," sabi niya kaagad. Hindi ko pa natapos ang s

