Peanut's POV Nanginginig ang buo kong katawan habang papalapit ako sa kinaroonan ni Daddy. My heart is full of tension. It is like a tremendous apprehensive covered all over my body. Seeing him in this kind of situation is tragic. Puno ng aparatos ang kaniyang katawan. May tubo pang nakasalang sa kaniyang bibig. Sumagi sa mata ko ang monitor na siyang nagtataglay ng kaniyang hininga. Lumapit ako sa kaniya at saka hinawakan ko sa kamay si Daddy. "Dad, be strong...fight for your life, Dad. We are here just waiting for you to wake up..." "Daddy...please, gumising ka na. Ako 'to si Atoy, hindi ba sabi mo magta-travel pa tayo sa Singapore? Hindi ba ipinangako ko sa 'yo na kapag malaki na ang naipon ko sa sahod ko, ako naman ang magte-treat sa 'yo? Daddy, magpakatatag ka, mahal na mahal kita.

