Chapter 16

3658 Words
Winter Pov. (Deal) Mabibigat na buntong hininga ang mga pinakakawalan ko habang nakikinig sa huling professor. Maghapon ang discussion ngunit hindi kailanman nawaglit sa isip ko ang nangyari kanina sa library. Lecheng ashong na 'yon, ayaw ba niya akong patahimikin? Hangga kailan niya ba ako balak guluhin? ”Kailan tayo mag-uumpisa sa group report natin?” nilingon ko si deborah ng bumulong ito, sa totoo lang ay bigla kong nakalimutan ang report namin, ngunit dahil kailangan ng may maumpisahan ay baka mamaya na siguro. ”Mamayang uwian, kung gusto ng tatlong kasama natin.” napangiwi siya sa sagot ko. Paano ba kasi, iyong tatlong babae ang kasama namin. Minamalas nga naman at sa dami ng classmate namin ay sila pa ang makakasama ko. ”Hindi sana tayo mahirapan sa kanila.” sang-ayon ako kaya tumango lamang ako, nilingon ko pa ang pwesto ng tatlo na kung saan ay hindi man lang sila nakikinig sa discussion. Napasandal ako sa upuan bago muling bumuntong hininga. ”Ako ang bahala sa kanila..” ”Talaga? Paano mo gagawin iyon, madalas nga na asarin ka nila.” Ngumisi ako bago siya balingan ng tingin. ”Ako ang leader ng grupo, ako ang presidente ng klase at sa ayaw man sa gusto nila susundin nila ako..” Dalawang beses siyang tumango. ”May punto ka..” Nagfocus ako sa harapan matapos niyang sumandal, ngunit kahit libangin ko ang aking kaisipan ay hindi mawala sa utak ko ang video na hawak ni ashong. Nangangamba akong baka totohanin niya ang kanyang sinabi kanina, paano na lamang kung i-post niya iyon bigla o kaya naman ay makakita siya ng daan upang maisend iyon sa mga magulang ko. Napapikit ako, higit na malalagot ako sa oras na mangyari iyon. Ako lamang ang nag-iisang anak, todo ingat sila sa akin ng kasama ko pa sila. Mas lalo na ngayong hindi ko sila kasama, hindi nawawala ang mensahe nila oras-oras sa cellphone ko, gabi-gabi ko silang kausap sa video call kung wala silang ginagawa. Madalas nilang ipaalala na dapat ay makapag-graduate muna ako at pumasa bilang guro. Para sa akin, nais ko rin naman makapagtapos. Wala sa isip ko ang mga lalake, si calix nga lang dahil simula bata pa lang kami ay protektado na niya ako. Paano ako hindi mahuhulog. ALAS SINGKO ng matapos ang huling subject, sumabay sa pagtayo si deborah at sumunod sa akin patungo sa tatlong ka-grupo namin. Tumaas ang kilay ni gemma ng huminto ako sa pwesto nila, nagpupulbos ang dalawang kasama niya habang ito ay naglalagay ng lipstick. ”Anong kailangan mo?” gemma asked me with a frown, hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon bago ko ipatong ang librong sa kanyang mesa. ”May study group tayo ngayon, Kailangan niyong magparticipate upang makapag-edit ako sa irereport natin .” Tumaas ang kilay ni patricia, isa sa mga ka-grupo ko ngayon. ”Kaka-announce lang kanina niyan, bakit ba nagmamadali ka?” ”Tama si patricia, hindi ba pweding bukas na lang? May lakad pa kami!” umirap si margie, isang mataray na babae at pabagsak na inilagay ang pulbos sa bag. Umismid ako bago kagatin ang labi. ”Hindi ko kailangan ipagpabukas ang study nito, kailangan ko ng ilang topic na dapat ay isang-ayunan niyo..” ”Why dont you choose!” sumabat muli si gemma, sa tingin ko ay siya ang sinusunod na dalawa dahil sumasang-ayon ang mga ito sa kanyang sinasabi. ”Ikaw naman siguro ang leader, okay na sa amin kung anong gusto mong i-report!” ”At anong gagawin niyo?” sumabat si deborah. ”Maghihintay sa araw ng huwebes at ibibigay na lamang namin ang topic sa inyo, ang suswerte niyo naman!” ”Kahit anong sabihin niyo, wala kaming oras sa study group ngayon, bukas na lang..” Nangunang tumayo si gemma, at dahil sunod-sunuran ang dalawa ay nagsitayuan na rin sila. ”Kung ganon, hindi ko na kayo pa isasali sa grupo ko, hindi ko kailangan ng mga tamad na miyembro..” natigilan ang dalawa sa sinabi ko, bakas ang pag-aalinlangan sa kanila bago nila tingnan si gemma. ”Hindi ako nagbibiro, kung ayaw niyong tumulong, aalisin ko na kayo sa grupo..” kinuha ko ang libro sa mesa at aakmang aalis na ng biglang magsalita si gemma. ”Okay fined!” madiin ang pagkakasabi nito, ang kanyang mata ay nagsusumigaw ng iritasyon maging ang paghinga niya ay nagiging mabilis sanhi ng pagpipigil ng galit. ”Saan ba tayo?” ”Sa bahay tayo..” Sa huli ay walang nagawa ang tatlo, sumama sila sa bahay maging si deborah. Hindi naman na ako ganoong masama, ngunit mahihirapan ako kung pati ang kanilang irereport ay gagawin ko rin, hindi lang din naman ako ang mag-isang magsasalita sa harap, kailangan may maibahagi sila dahil iyon ang gusto ng proffessor namin. ”Magandang gabi po..” nagmano si deborah kay lola ng ipakilala ko ito, samantalang ang tatlo ay nanatiling nasa tabi ng pinto habang inililibot nila ang kanilang paningin. Binaba ko ang bag sa gitnang mesa bago ko sila harapin. ”Maupo kayo..” lumingon sila sakin, pansin ko ang hindi kaaya-ayang tingin sa kanila ngunit kalaunan ay nagsi-upuan rin ang mga ito. ”Kukunin ko ang ilang libro sa itaas, may laptop rin ako..” pansin ko ang pag-irap nila, ngunit hindi na iyon mahalaga ng lumapit sa akin si lola. ”Mga kasamahan mo ba sila sa skwela?” ”Opo, la. Gagawa kami ng group topic ngayong gabi..” Tumango-tango si lola. ”Igagawa ko kayo ng miryenda.” ”Ako na po.” ”Hindi, ako na. Umpisahan niyo na ang gagawin niyo..” Mapilit si lola lalo na ng ipagtulakan niya ako bago ito tumungo paloob ng kusina, napabuntong hininga ako bago lingunin ang apat. Nasa sala na sila, naka-seperadong upuan si deborah habang binabasa nito ang librong nakuha ko sa library, habang ang tatlo ay hawak na ang kanya-kanyang cellphone at walang pakialam kung saan ba kami mag-uumpisa. Marahas ko na lamang hinagod ang buhok bago umakyat patungong kwarto upang kunin ang mga libro at laptop. At nang makababa muli sa sala ay nadatnan ko na roon si trixie, nagulat man ay nagpatuloy ako sa paglalakad at marahan na inilapag ang libro sa gitnang mesa. ”May bisita ka pala..” nag-angat ako ng tingin rito bago tumango. ”May group report kami..” ”Talaga?” nagtitingin siya sa mga libro bago lingunin ang tatlong babae, ngumiti si gemma at margie sa kanya. ”Hi, trixie. why are you here?” gemma asked her, It is obvious that she doesn't know anything about me and Trixie. ”Gusto ko lang sanang magpasama sa pinsan ko..” the two looked up as if their attention had been caught. Bago iyon, lumingon sila sa akin ng nagtataka. ”Pinsan mo si winter?” margie asked her again, she sounded doubted, and she would like to get confirmation. Trixie nodded. ”Oo, pinsan ko si winter. Ngunit mananatili na muna ako rito dahil mukhang abala siya..” ”Pasensya na, marami kasi kaming gagawin..” gemma faced me, There was a trace of sarcasm in her eyes, and before that she suddenly laughed before pointed me. ”Tumatanggi ka pa kay trixie, sa lahat ng studyante sa fatima nais nilang lahat na maging kaibigan ito..” bukod tanging pagtitig lamang ang isinusukli ko kay gemma. ”Pero, nakakagulat lamang na pinsan mo siya, hindi ba may gusto ka kay philip?” I raised my eyebrows for what she said. Where did she find out that I like that guy? Bigla yatang umasim ang mood ko. ”No, you're wrong, she doesn't like philip..” si trixie ang sumabat, hindi ko alam kung bakit pati ito ay kailangan pang pag-usapan, ayoko na ng ganitong topic. Nasusuka na ako. ”Let's start gathering the topic, we need to finish the first part tonight.” naupo ako sa tabi ni deborah at tila walang narinig sa mga sinabi nila kanina, hindi ko sila pinansin. Binuksan ko ang laptop bago kumuha ng isang libro. ”May nalalaman naman kayo sa science dahil iyon naman ang major natin hindi ba?” ”Ofcourse!” umirap ang tatlo, kung may choice ako ay hindi ko sila nais makasama. They are good enough to throw in the trash. Ngunit magtitiis na lamang ako dahil hangga huwebes lamang ito. ”Kumuha kayo ng sariling topic at irereview ko iyon, kung maganda ang meaning ako na ang magcocopy upang maibigay ko sa inyo bukas..” they didn't comment on what I said, instead they violently took the book and artfully leaned on the sofa. I let out a breath before glancing at Trixie. ”Maupo ka..” anya ko, ngunit umiling siya bago yumuko sa akin upang bumulong. ”I really want to talk to you, I have someting to ask..” humiwalay siya at bahagyang nangiti, eksakto rin sa tiempo ang paglabas ni lola na may dalang sandwiches at juice. Nilingon iyon ni trixie dahilan upang hindi ako makapagbigay sagot sa sinabi nito. ”Narito ka pala, hija..” inilapag ni lola ang gawa niyang miryenda, nagpasalamat si deborah ngunit ang tatlo ay nanatiling hawak ang libro. ”May itatanong lang po sana ako kay winter, atsaka. Kung pwede, dito na muna ako ulit matulog..” ”Sige, ayos lang naman kung pumarito ka muna..” ”Thankyou la, may problema kasi sa connection, hindi ko magawa yung assignment ko.” ”Ganun ba, sabayan mo sila rito upang matapos ka na..” ”Opo.” sumulyap sakin si trixie ng tumalikod si lola upang buksan ang bentilador, nakangiti ang pinsan ko bago ngumuso. ”Ten minutes, winter..” I sighed before nodding, ”Sa labas tayo..” Tumayo ako, malaki ang kanyang ngiti habang nakasunod sa akin. Habang palabas ay pumapasok na sa isipan ko kung anong itatanong niya at kung tungkol saan. ”Sorry for the disturbance, I just want to know the truth about you and Philip.” hindi ako sumagot, ngunit sa isip ako nagreklamo. Sinasabi ko na nga ba ay tungkol lamang sa hinayupak na lalakeng 'yon. ”Anong gusto mong malaman?” ”Totoo bang pinagtitripan ka niya?” mataman ang titig sa akin ni trixie, hindi ako agad makasagot. Nagdadalawang isip kasi ako kung isisiwalat ko nga ba ang totoo. Ngunit biglang may hadlang na pumasok sa isip ko, napalunok ako bago mag-iwas ng tingin dahil sa videong hawak ni ashong. Bigla akong naging balisa, namamawis ang aking palad dahil baka makita iyon ni lola o di kaya ni erpats, ano na lamang ang sasabihin sa akin ni lola? ”H-hindi, hindi t-totoo iyon, n-nagkakamali lang si calix dahil nagkaroon kami ng sagutan noon ni philip..” ”Is it true? I want the truth as much as it comes from you, you know. I already like philip..” Sa isip ako nagmura ng ilang ulit, gusto na niya si philip? Hindi ba siya nagbibiro? Paano ba nahulog ang loob nito sa lalakeng yon? Gwapo nga siya, ngunit tago ang kanyang kasamaang ugali. ”A-ano bang n-nagustuhan mo kay philip?” Ngumuso ito. ”Gusto ko na talaga siya simula ng manligaw ito, sa totoo lang. Kung papayag na agad si mommy ay baka sinagot ko na ito, ngunit nais pa kasi ni mommy na mameet niya si philip bago ang pasko.” Muli ay nilihis ko ang aking tingin, nasabi ko na ang nais ni philip at hindi ko na iyon mababawi pa, kailangan ko na itong panindigan. ”Kaya nga nais kong kumpirmahin ang totoo, ilang araw na niya akong sinusuyo at pilit niyang sinasabi na wala naman siyang ginawa sayo..” ”Wala siyang ginawa sakin, nagpapasalamat pa nga ako rito dahil nag-offer siyang ipasok ako sa cheering squad..” Napakagat labi ako matapos kong sabihin iyon, sinungaling masyado. Paano ko ba nagawa 'yon? Ganon ba ako kadaling masindak ng lalakeng yon? Ngunit paano kung totohanin niya ang sinabi kung lalo ko s'yang ididiin kay trixie, mas mabuti na siguro itong ginawa ko upang burahin na n'ya ang video, matapos 'non ay ako mismo ang magbabanta sa kanyang tigilan na ako nito kundi babaligtarin ko ang lahat ng aking tinuran. ”Thankyou, I feel so much relief, gusto ko kasing nakakasundo lahat ni philip ang mga taong malapit sa akin, salamat naman at hindi totoo ang sinabi calix..” Nameke ako ng ngiti at halos mainis sa sarili, in the end it was calix who made up the story, i felt bad feeling but i just ignored it. ”Wala ka na bang ibang sasabihin?” She shook her head before smiled at me. ”Nothing more, that's all.” Our conversation ended with none other than Ashong always being the topic. Maybe she doesn't notice that I'm irritated, it's not just that. I'm upset because I didn't even tell the truth. Maging sa mga tatlong ka-grupo ko ay naging mainit ang ulo ko, sa huli. Agad ko na ring tinapos ang study group at ako na lang mismo ang bahalang mamimili ng topic. TUESDAY MORNING I went back again in early to get a new book in library, but before I even set foot in the library hallway, I accidentally bumped into calix. There was no trace of a smile on his lips, he was serious and I didn't know why. Nagpatuloy ako sa paglalakad, huminto rin ako sa harapan nito dahil hindi ko naman siya nais dedmahin, ngumiti pa ako. but he still kept looking at me seriously. ”Musta?” I greet him with a half smile, ngunit nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. ”I went to your house earlier, but I didn't catch you up, same as yesterday.” muli ay bumaling siya sakin, kunot pa rin ang noo. ”Don't you want me to come here with you, or maybe you're avoiding me because I told trixie about you and philip?” napalunok ako, hindi ko alam na ganun pala ang iniisip ni calix. Ngunit ang totoo, nahihiya lamang ako sa biglaang pag-sagot nito sa uniporme ko. I immediately answered him ”Hindi, hindi kita iniiwasan, baka maaga lang talaga akong pumapasok..” I still smiled, but as before, he still had no emotion, obviously not yet convinced for what I said. "You can wait for me, wen" I just swallowed again. it's just embarrassing because it's so obvious that I'm avoiding him, I snorted before looked down. ”Sa totoo lang kasi, nahihiya ako. W-wala pa akong pera para maipagbayad sa ginastos mo..” I still looked down, I didn't want to look in his eye because my face was probably red. I heard him chuckled. ”It's fine, don't pay me anymore..” I kept looking at my shoes, I didn't want to look at him. But here he is, calix hold my chin to lift up my face. ”I told you about this already, right? You can pay me for a dinner, its okay for me..” ”Dinner, sa bahay?” Calix nodded. ”Sa bahay..” Napakamot ako sa ulo. ”O sige, maaga akong uuwi mamaya para makapagluto..” he smiled now as if there was suddenly something funny in what I said. ”Sa bahay namin, wen. We eat dinner with my parents..” ”Huh?” ”What?” tumaas ang kanyang kilay. ”This is not the first time that you eat together with my mom, is it?” ”Oo, pero kaso kasi. Tatlong taon na 'yon, cal..” ”Tatanggihan mo ako?” nakanguso siya, at dahil sobrang cute nito ay hindi ako maka-ayaw, I bit my lip before shooked my head. ”Anong oras ba?” Bigla ay umusbong ang ngiti sa labi ni calix, nag-lalambot bigla ang kamay ko. Hindi ko alam pero hindi naman malamig, o baka naman talaga ay malakas lamang ang epekto ng kanyang ngiti sa akin. ”I'll pick you up at seven pm.” ** As usual, calix lead me to my room after I borrowed the book again. And because it's Calix Montemayor, I heard different whispers from my classmates this morning. Kesho. bakit ko daw kasama si montemayor? Bakit ako nito hinatid sa silid? Nilalandi ko ba siya? O baka, girlfriend na niya ako. I would have liked the word girlfriend, but it's not true.. girl as a friend maybe. ”Natapos mo yung topic kagabi?” tumango ako kay deborah, lunch time na uli. Nagtext nga si calix sa akin na hindi siya makakasabay, ayos lang naman sa akin dahil sinabi ko ritong may bago na akong kaibigan, and its deborah millari. ”Hindi pa, may idadag pa ako bago ko ibigay kila gemma..” Sumubo ako sa aking pagkain, hindi ko siya tiningnan ngunit alam kong nakangiwi ito. ”Masyado naman kasi silang pa-importante! Dapat talaga kay gemma tinatanggal na lang!” ”Hayaan mo na..” i answered her shortly, siguro ay idodonate ko na lang sa kanila ang kaonting kasipagan ko, ngunit sa darating na group project ay hindi ko na sila nais pang makasama. Pero hindi ko siya narinig na umangal, sinulyapan ko ito at doon nakita ko siyang nakatingin sa aking likuran. I looked at where she was looking at, and there. I saw ashong standing and carrying a food. I raised my eyebrows at him. ”Can i sit here?” lalong tumaas ang kilay ko, but he smirked at me almost making my hair stand on end, it seems that it means that I am his servant now. A slave only because of the video he was owning. ”Anong gusto mo?” umupo siya sa tabi ko kahit hindi ako nagbigay permiso, lumingon siya kay deborah at nginitian ito ng matamis. ”Can you leave us for a moment?” Nilingon ako ni deborah, hindi ko sana nais maiwan rito ngunit tumayo siya at walang pasabing umalis, muli ay hinarap ko si ashong. ”Burahin mo na ang video kung iyon ang pakay mo..” He smiled at me. I really hate that smiled. Its annoying. “Ang galing mo pala sa parteng um-acting, huh?” nangunot ang noo ko. ”Napaniwala mo si trixie ng isang beses, bilib talaga ako sa personalidad mo..” ”Bakit ang dami mo pang sinasabi?” ”Hindi mo ba ako nais makausap sa huling pagkakataon?” ”Tsk.” pasinghal akong nag-iwas ng tingin. ”Hinihiling ko na sanay hindi na kita makita pa..” ”Ang sama mo, mabuti na lamang at pinsan mo ang babaeng gusto ko..” sumandal siya sa mesa ng patagilid, his facing me, and I could almost see his whole face, I often to see him everyday but I don't stare at him closely. He's eyebrows are beautiful, lips are perfect and his nose is sharp pointed. In other words, handsome dumb*ss. Tsk. ”Naibigay ko na ang gusto mo, akina ang cellphone mo..” nakakaasiwang ngiti lamang ang ipinukol niya sakin. ”Hindi mo pa naibigay ang gusto ko..” Nagsalubong bigla ang kilay ko. ”Nagkakalokohan ba tayo dito?” ”You can tell me what her wants, four eyes..” he called me again on that name, suot ko kasing muli ang aking salamin ngunit bagsak pa rin ang aking buhok. ”You're still going to help me to figure out what her most favorites, and I also want to show her that we already talk and we're not totally fighting..” ”S*raulo ka ba?” Madaling nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. ”Ginagag* mo na lang yata ako!” nanlaki ang kanyang mata sa karagdagang anas ko. ”Will you lower down your voice!” ”Ul*l ka!” ”You'll go with me, you can't do anything and everything what I said, you know what will happen, and that's not all..” may kinuha siya sa bulsa at madali niyang hinarap sa akin ang recorder, at doon ko narinig ang pinag-usapan namin sa loob ng library. ”Ipapakita ko ang video sa kanilang lahat at ipaparinig kay trixie itong kasundaan natin.” nagtangis ang bagang ko. ”O di kaya, kay lola perla mo na lang..” ”Ano pa ba ang gusto mong bwist ka?” ”Sundin mo ako, i give you one month to help me, thats all. After that, your free kahit hindi ako sagutin ni trixie, ang importante malaman ko lahat at maging maganda ang labas ko sa kanyang paningin, mula sa tulong mo..” ”Youre deliruous stup*d..” ”Deal?” Nag-iwas ako ng tingin, kumuyom ang kamao dahil sa pananakot niyang ito. Ngunit hindi ko mapigilang mag-isip, magagalit ang mga magulang ko lalo na si lola, mag-aaway kami ni trixie at baka ikagalit pa iyon ni tita raquel, magkakagulo ang lahat. Nang dahil lamang sa videong iyon. ”Nangako ka na buburahin mo iyan sa oras na masabi ko kay trixie ang lahat, ngunit bakit may panibago na naman?” ”Iyon lang naman ang hinihiling ko, hindi mo ba ako mapagbibigyan, bilang manliligaw ng pinsan mo, masayang magkasundo tayong dalawa..” ”H'wag mo ng asahan yon..” sumama ang tingin ko rito. ”Pero, huli na ito. Tutulungan kita, ngunit sa oras na malaman mo ang lahat ay lulubayan mo na ako, hindi ikaw ang masusunod kung hangga kailan kita tutulungan, hindi ako papayag sa isang buwan..” ”Fined, its up to you, atleast we have a deal..” Umayos siya ng upo at nakangiting tumingin sa akin. ”Let's meet tonight, 7:00pm, i'll pick you up..” Tumayo na siya, ni hindi man lang hinintay ang pagtutol ko o di kaya kung papayag ba ako. At sa kaisipang alas siete ang dinner ko kasama si calix ay bigla akong natawa, Pambihira. *** to be continued. Haba ng hair ni winter, dalawa susundo sa kanya mamayang alas siete, ako tutulog lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD