Chapter 17

4482 Words
Winter Pov. (Sorry) Nag-abisa akong walang group study ngayong uwian, sumang-ayon si deborah sa sinabi ko dahil may lakad daw sila ng kanyang pamilya, ang tatlong kasama ko ay natural na nagalak bigla sa ibinalita ko. Matapos iyon ay kasabay kong umuwi si deborah, inihatid nila ako sakay ng kanilang kotse. May sundo ito at himala dahil na nag-alok siyang ihatid ako. Hindi naman na ako tumanggi pa. ”Hindi ba kayo mag-aaral ngayon dito?” umiling ako kay lola habang naghahanda ng kanyang makakain, maaga pa naman. Ang lakad namin ni calix ay mamayang alas siete pa kaya't maipagluluto ko pa s'ya. ”Bukas po, may lakad kasi kami ni calix ngayon, inimbitihan niya akong kumain kasama ni tita.” tinutukoy ko ang ina ni calix, madaling tumango si lola habang may sibol ng ngiti sa kanyang labi. ”Hindi ka ba nililigawan ng kababata mo?” I pouted my lips, suddenly I felt my cheeks heat up, feeling ko ay bigla pa akong kinilig sa sinabi ni lola. ”Si lola talaga, wala pong nanliligaw sakin.” ”Abat bakit wala?” hindi ako sumagot, dapat meron ba? ”Maganda ka at matalino, ngunit kung sa bagay, mas mainam na wala pang nanliligaw sayo.” ”Tama po kayo, mas uunahin ko ang pagaaral..” ”Ngunit kung si calix naman ang pinag-uusapan ay ayos lang, boto ako sa binatang iyon, gusto ko s'ya para sa 'yo..” I smiled for what lola said, anyone would really like Calix, you can't ask for anything more from someone like him. Hes perfect for me. ”Gusto ko po si calix la..” ”Alam ko..” nangiti si lola habang nahihiya ako, ngunit si lola naman ito, wala naman si calix. ”Halata naman sa apo ko na napupusuan niya ang kanyang kaibigan..” ”Talaga po?” my eyes widened, nahalata ba kaya ni calix na may gusto ako sa kanya? Does he notice my admiration? ”Ako ang nakakapansin dahil kilala na kita, alam ko ng matagal mo na siyang natitipuhan..” ”A-akala ko po sobrang halata na ang pagtingin ko sa kanya, nahihiya ako..” ”Ayos lang naman kung malaman n'ya, ano bang problema doon?” ”Baka po kasi mailang s'ya, at saka. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin kung sakaling malaman n'yang may gusto ako sa kanya..” napanguso ako, that's what I'm really afraid of, what if I'm the only one who likes him, maybe he'll suddenly get mad and avoid me. I wont allow that thing happen. if i could hide my feelings forever, i would. ”Maaari nga na mangyari ang sinasabi mo, ngunit sa pagkakakilala ko kay calix ay hindi niya magagawang iwasan ka..” I didn't answered lola perla, we didn't know Calix's true feelings either, so. I decide to keep quiet. Maybe we can just be friends. That for our goods. ** I had already prepared food before I showered, maybe it was past six o'clock when I finished, I hadn't gotten dressed yet. Because I don't know what to wear, I don't have proper clothes, its only pants and simply shirt. Sa huli, isinuot ko na lamang ang pulang tshirt na halos fitted sa akin. Wala akong choice dahil mas maayos ito sa mga damit ko, isang black pants ang aking pinares bago ilugay ang aking buhok. Hindi ko na isinuot ang aking salamin at naglagay din ako ng kaonting pulbos, napanguso ako sa simple ng aking mukha. Hindi naman na ako marunong mag-make, but I suddenly thought that why should I put on makeup? we will just eat with his parents, Dapat pa ba akong magpaganda? Natawa ako bago umiling, kinuha ko ang cellphone at isinuksok iyon sa bulsa ko. Matapos ay binalingan ko muli ng tingin ang sarili sa salamin at lumabas na ako ng silid, nadatnan ko pa si lola na nasa harapan ng tv. ”Susunduin ka na ba ni calix?” tumango ako, 6:45 na at may message na sa akin si calix na papunta na ito, balak ko na lamang s'yang hintayin sa labas upang malaman nitong handa na ako. ”Papunta na po s'ya..” ”Ganun ba, ikamusta mo na lang ako sa mga magulang niya..” ”Sige po..” Humalik pa muna ako sa pisngi ni lola bago lumabas ng bahay, madilim na at malamig sa labas, may kaonting hangin at nagliliparang dahon sa kalsada, huminto ako sa gilid ng poste kung saan hindi naman gaano nalalayo sa tapat ng bahay ni lola. Ngunit inabot yata ng bente minutos ay walang kotseng pumarada sa harapan ko, pasado alas siete na ngunit wala pa si calix. Nag-ring ang cellphone ko habang nagtitipa ako ng mensahe, hindi ko na na-isend iyon dahil tumatawag naman na si calix. ”Hello, wen? Nariyan ka na ba sa daan?” ”Oo, nasaan ka?” ”Nasiraan kasi ako, bigla na lang huminto ang kotse ko.” Kinagat ko ang labi habang tinatapik ang kamay sa gilid ng bulsa, tumango ako kahit hindi niya nakikita. ”Mahihintay mo ba ako? Mabilis lang 'to, tatawag na muna ako ng mekaniko..” ”Oo naman, ipagawa mo muna iyan, makakapaghintay naman na ako..” ”I'm sorry, wen. Hintayin mo ako hm?” ”Sure, its okay..” ”Thankyou, you'll go inside first, wait for me there.” ”Ok..” I hang up the line before put my phone on my side pocket, I still held my breath while looking around, but I spotted the black car heading towards where I was standing. He stopped in front of me and rolled down the car window. He smirked, but I wincked because of the black shades he was wearing. ”Youre too early, winter..” umismid ako, gabi na at bakit naka shades pa ang ashong na 'to? Paano siya nakakapag-maneho sa suot niyang iyan? Lumabas siya ng kotse at pinagkrus ang kamay sa kanyang dibdib, nakangisi pa rin ito bago niya i-angat ang salamin at ilagay iyon sa tuktok ng kanyang ulo. ”Nagbihis ka ng pormal para sa gabing ito, hindi ka mukhang manang ngayon..” ”May lakad ako, huwag kang ambisyoso” ”May lakad tayo..” ”Hindi ako sasama sayo, hindi pwedi. Sa susunod na araw na lang..” nagsalubong ang nag-gagandahan niyang kilay. ”We already talked about this, four eyes! You cant take your own decission because your going to follow me!” ”Hindi ako pumayag ashong..” madiin ang pagkakasabi ko na may kunot na noo. ”Hindi mo man lang tinanong kung may lakad o wala ako, kaya umalis kang mag-isa mo!” I noticed the movement of his jaw, his eyes were obviously angry and irritated. Naiinis na naman yan. ”Sumama ka sakin, hindi pweding wala ka dahil nasabi ko na kay trixie na dadalo tayo sa bahay, kayat kasama ka!” Napamaang ako bago matawa. ”Nagdesisyon kang mag-isa?” ”Hindi ko na kailangan ng permiso mo, kung ayaw mo man hindi ko na problema iyon, basta sumama ka!” ”Ipagpaliban mo ang kalokohan mong ito, may lakad kami ni calix..” Tumaas ang kilay niya. ”Calix?” inismiran ko s'ya, bakit ko ba kailangan sabihin sa kanya? ”Saan ang lakad n'yo ni calix?” ”Pakialam mo?” Kumikibot ang labi nito at naglalaki ang butas ng ilong. ”You cant go with calix, sa akin ka sasama!” Bumuntong hininga ako bago siya panlisikan ng mata. ”Hindi ako makakasama sayo dahil may lakad kami ni calix, importante ito kayat kung may lakad ka, huwag mo na akong isama pa!” ”It cant be!” sumigaw siya, galit na talaga. ”Trixie wont let me go alone there, why dont you understand!” ”I dont need to understand your own problem, ashong. If you wont, its not my issue anymore, problema mo na yan.” Tumalikod ako, nais niya akong isama para lamang makapasok sa bahay ni trixie, gagawin niya pa akong way para lamang makalusot at makasama ang pinsan ko? Bakit hindi siya gumawa ng paraan? ”O narito ka pa pala?” nasalubong ko si lola ng akma akong papasok ng pinto, may dala s'yang basura at balak sana nitong itapon iyon ng malingon siya sa likuran ko. ”Hijo?” sumulpot bigla si ashong at nagmano, nais ko siyang sipain para bumaligtad siya, ngunit hindi ko magawa. Panira ng gabi. ”Susunduin ko po sana si winter..” Naging pantay ang kilay ni lola bago ako lingunin, nagtitimpi akong sapakin si ashong ngunit bigla siyang humirit. ”Ipapasundo sana siya ni calix sa akin..” ”Kasama ka ba sa dinner ng kanyang mga magulang?” Palihim kong sinamaan ng tingin si ashong, leche siya! ”Hindi po, naki-usap lamang si calix sa akin na sunduin ito, at saka po. Balak sana ni trixie na humingi ng tulong sa kanya tungkol sa assignment nito..” Tumango tango si lola. Ayokong sumalungat dahil hindi ko nais sumama bigla ang loob ni lola, ayokong pabigatin ang loob niya kayat hinayaan ko na lamang ang kasinungalingan ni ashong. ”Kung ganon, bakit hindi pa kayo umaalis?” ”Magpapaalam sana ako sa inyo..” iyon ang karagdagang anas ni ashong, bumuntong hininga ako kayat nabaling ang tingin sa akin ni lola. ”Mauuna na kami, la..” ”O sya, ingat kayo..” Tumalikod na ako at madaling lumakad papasok sa kotse ni ashong, pansin ko pa ang pagsilip ni lola kaya nagfocus na lamang ako sa harapan, nangangati bigla ang kamay ko, kumuyom ang palad ko at pinakikiramdaman ko ang pag-upo ni ashong sa driver seat. At ng lumingon siya sa akin ay malakas ko siyang sinapak, nanlaki ang mata niya habang hawak ang pisnging namula. ”What the f*ck!” he cursed almost in disbelief, I looked angrily and i wanted to hit him again but his face was all red. ”Hinayup*k ka talaga!” bulyaw ko. ”Bakit mo ako sinapak!” ”Nananapak talaga ako pag galit ako!” ”You cant just hit me like that, you shouldn't punched me for no reason, what kind of woman are you!” ”Do you really want to know me?” hindi siya sumagot, masama pa rin ang tingin ngunit nailing na lamang, haplos niya pa ang kanyang pisngi bago buhayin ang makina at walang imik na pinaandar iyon paalis. Napabuga ako ng hangin bago ilihis ang tingin sa bintana, feeling ko ay mahihimatay ako bigla sa inis, nasa iisang lugar lang kami kung saan kapwa sariling hangin ang nilalanghap namin, idagdag mo pa na halos ipagligo na niya yata ang kanyang pabango. ”Listen to me old passion woman..” masamang tingin ang ipinukol ko ng magsalita siya, diretso ang paningin niya at ni hindi ako binalingan. ”I really want to fix this, alam kong hindi maganda ang umpisa natin, ngunit nais kong magkasundo tayo.” Natawa ako bago lumingon sa dinaraanan namin, bigla yata akong naloka sa sinabi niya. ”Talaga ngang nahihibang ka na..” hindi pa rin ako makapaniwala. ”Hindi ito kahibangan, makinig ka! Kung magkaka-ayos tayo, walang problema, alam mo. Kung hindi lang siguro pangit ang pagkakakilala natin ay malamang na magkakasundo tayo, baka iisa ka pa sa mga babaeng humahanga sa akin sa fatima..” Napahilamos ako at hindi ko mapigilang matawa, natawa talaga ako dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig niya. Nilingon pa ako nito kaya natigilan ako. ”Alam mo, ashong. Nakakatawa ka..” pinunasan ko ang luhang tumakas sa gilid ng aking mata. ”Kilala man kita o hindi, imposibleng magustuhan kita, dahil alam mo? Si calix ang gusto ko, makilala man kita sa magandang pagkakataon..” Kumibot ang labi nito at pumaling ang ulo, nagfocus s'ya sa daan at bigla yatang lumalim ang kanyang iniisip, ngunit eto at bigla siyang lumingon sakin, napapreno pa kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. ”Mahirap ba na makipag-kasundo sakin?” Nagsalubong ang aking kilay. ”Nakikipag-kasundo ka na hindi man lang humihingi ng tawad?” ipinaglapat nito ang labi. ”Sa dami ng ginawa mo sakin sa tingin mo hindi ko deserved ang sorry, tinutulungan pa kita ang swerte mo..” ”Alright!” bumuntong hininga siya. ”Im sorry!” madiin ang pagkakasabi nito ngunit hindi ko kita ang sinseredad sa kanyang mata, nag-iwas ako ng tingin bago magsalita. ”Ayoko sa sorry mo, hindi pa oras para mapatawad kita..” ”Ang tigas mo talaga!” ”Tingnan mo..” nilingon ko siya, ngunit nakabusangot na ito bago paandarin muli ang kotse. ”Kakahingi mo pa lang ng sorry, ang yabang muna!” ”Naiinis ako sayo, humingi na ako ng tawad akala mo kung sino kapa!” ”Nagsorry ka lang naman dahil may kailangan ka, kung hindi mo nalamang pinsan ko si trixie baka kung ano ano pa ang ginawa mo sakin!” ”Shut up!” ”Pagkatapos nito hindi na kita kailanman tutulungan!” ”We have a deal, if you quit. Remember my policy!” Nais ko muling upakan si ashong habang mariin ang titig ko rito, ngunit bumilis ang kanyang pagmamaneho at sa isang iglap ay nasa tapat na kami ng bahay nila trixie. Nauna siyang bumaba, hindi man lang ako hinintay kundi dinukot niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan, napairap ako bago lumabas ng kotse. Malamig sa labas, ngunit hindi ko iyon pinansin ng tumunog ang cellphone ko. May message si calix at sinabing ilang minuto na lang ay matatapos na siya, ngunit hindi ako nakapag-reply ng makita kong lumabas si trixie. Nasa second floor din ang bahay nila, mas malaki ito kesa sa bahay ni lola. Walang gate at mga halaman lamang na may bulaklak ang meron sa tabi ng pinto. Ngumiti siya ng makita ako ngunit bumaling din agad kay ashong na mas malaki ang ngisi, natawa ako dahil para siyang aso na bigla na lang umamo. ”Akala ko hindi na kayo dadating..” ”Kami pa, hindi naman yata maaari 'yon..” umirap ako at humalukipkip sa gilid ng kotse, kung hindi lang sana niya nakausap si lola ay baka hindi s'ya matutuloy rito. Ginawa pa talaga akong kasangkapan upang makadalaw siya kay trixie. ”Tara pasok kayo..” lumapit sakin si trixie, nakangiti bago niya ako akbayan. ”Akala ko nagbibiro si philip kanina na kasama ka, totoo pala..” nameke ako ng ngiti. ”Agad din naman akong uuwi..” ”Ganun ba, kung ganon hindi ka magtatagal?” Umiling ako. ”May lakad pa kami ni calix..” ngumuso siya bago balingan ng tingin si ashong, wala itong pakialam nung una ngunit dahil sa pagsulyap sa kanya ni trixie ay nangiti ito bigla. ”Kumain ka na muna sa loob bago ka umalis..” nilingon niya akong muli, tumango na lamang ako bago niya kami igaya papasok sa loob. Binitawan niya ang aking kamay at dumiretso sa isang pinto na kung titingnan ay iyon ang kanyang kusina. Hindi ako gaanong pamilyar sa bahay na ito, ilang buwan rin naman ng mabili ito maging ang pananatili ko rito sa manila. Wala pang isang taon dahil noong marso pa ako pumarito. ”Hey, four eyes..” sinulyapan ko ng tamad na tingin si ashong, nakaupo na s'ya habang magka-krus ang binti. ”You need to communicate with us, specially with me. You can tell everything good about me..” ”Tigilan mo ako, hindi ka pa ba kontento na narito ako?” ”Ano sa tingin mo? Uupo ka lang at tutulala, hindi syempre, may purpose ka!” Bumuntong hininga ako at inilihis ang tingin sa ibang bagay, hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalakeng 'to. Pero hindi na ako nagsalita pa, ngunit panay ang hirit niya habang naririnig ko ang mga babasaging bagay sa kusina. ”If trixie asked you about us, you can simply answered her with a confident truth!” ”Bakit ba?” i faced him again, a little bit irritated and annoyed. ”Hindi ka ba marunong manligaw?” ”A-ano?” he was shuttering, napakurap at tila big deal ang aking tinuran. ”Ako pa ang tinanong mo tungkol sa bagay na 'yan?” ”Kung marunong ka naman pala, bakit kailangan mo pa akong gamitin?” i arched a brow. ”Alam mo, kung gusto ka talaga ni trixie, gusto ka niya, mapa santo ka man o tuso sa lahat ng bagay..” Hindi na nakasagot pa si ashong ng lumabas na sa kusina si trixie, may dala siyang mga pagkain na sa tingin koy nabili niya sa labas. Inilapag niya iyon sa tapat ni ashong, may mesa sa gitna at dalawang single sofa at mahabang upuan. Ngumiti siya ng bumaling sakin. ”Sit here, winter..” hindi na ako nag-atubiling umangal, naupo ako sa single sofa. Nalalayo ang distansya ko kay ashong dahil baka masapak ko siya kung lalapit ako rito. ”May pagkain pa don..” trixie run again towards in the kitchen, nasa mga pagkain ang tingin ko bago muling lumabas si trixie na may dala ng box of pizza at mga can soda. Mga take out na pagkain ang nasa harapan namin na mukhang pinadeliver niya lamang, ngunit hindi na iyon mahalaga, kumuha ako ng sarili kong pagkain at hinayaan tumabi si trixie sa gilid ni ashong. ”Kumusta output niyo?” trixie talked to ashong, at dahil wala akong pakialam sa lalakeng yan ay inabala ko ang sarili sa pagkain. Muli akong kumuha at nagpandekwatrong lalakeng sumandal sa sofa, I took my phone while enjoying the food. I check calix messages if he text me where he is, but still no update. I type a message that im here on trixie house, bigla kong naalala na baka tumungo s'ya sa bahay at hanapin ako kay lola. I bite my lower lip before grab the nearest soda, but suddenly. I feel ashong hands who bring strange feelings to me, binawi ko ang kamay at mataman siyang pinagmasdan habang nakataas ang kilay niya sakin. May sinabi sa kanya si trixie habang binubuksan sana ang soda na kinuha ko, umirap ako. Pa epal masyado. ”Susunduin kita bukas?” i heard ashong, naalibadbaran ako kaya muli na lamang akong sumandal. ”My class is seven thirty..” ”Alright, I fetch you seven then..” ”Isabay natin si winter bukas..” madaling nag-angat ang tingin ko, nananahimik ako at bakit na naman nila ako idadamay? Sinulyapan ako ni ashong, kita ko ang malaking pagtutol rito ngunit hindi siya umangal. ”Sure, no problem..” Wala akong nagawa kundi tumunganga, naitikom ko na lang ang labi ko bago hilutin ang sintido. Ilang minuto yata akong tahimik, wala din naman tanong si trixie tungkol sa nagdaang nangyari sa amin, siguro nga. Naniwala s'ya sa sinabi ko kahapon na walang ginawang masama sa akin si ashong. ”Look winter, come here..” trixie was holding a photo album, tinapik niya ang tabi nito senyales na pinauupo ako nito. Tumayo ako, lumakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi nito. ”Tingnan mo, pasko ito d'ba?” tiningnan ko ang litrato kung saan kumpleto kami, bata pa kaming dalawa ni trixie ngunit magkatabi kami sa picture. ”Ang cute mo dito..” naging pilit ang aking ngiti, ngunit dinig ko ang mahinang hagikgik ni ashong dahil sa litratong iyon, naka-dress kasi ako at dalawang pony tail na nasa gilid ng ulo ko. ”Mukha siyang piggy bank..” ashong commented, natatawa dahilan upang mangiti si trixie. ”Maganda siya rito, ngunit nahihiya kasi akong kausapin siya noon kaya hindi kami gaanong nag-uusap..” ”Is she snob?” ”No, not totally. She's straight forward though..” Sumandal ako at hindi na nakiusyoso pa sa photo album na 'yon, malay kong may litrato pala kami. Sa pananahimik ko at hindi pagsali sa usapan nila ay tumunog ang cellphone ni trixie, its a video call. Hindi ko alam kung sino iyon ngunit nagpa-alam itong sasagutin niya lang ang tawag. Sa huli, naiwan kaming dalawa ni ashong habang hawak niya pa rin ang photo album. Isinara niya iyon, inilapag niya sa gitnang mesa at nanahimik, at dahil hindi ko nais makasama siyang mag-isa rito ay tumayo ako, malas pa na tumayo rin siya kaya nagkasabay kami. Muli akong naupo, ngunit naupo rin siya at hindi sadyang nagtagpo ang balat namin, muli akong nakaramdam na hindi ko mapangalanan, lumayo ako at sinamaan siya ng tingin. ”Mauna ka ng umalis!” singhal ko, ngunit tumaas ang kanyang kilay at sumandal sa sofa. ”Bat hindi ikaw!” ”Naaalibadbaran ako sayo!” ”Were same feelings!” umangat ang nguso niya, ngunit natapos ang pagtatalo namin dahil biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at nakitang si calix ang tumatawag, daglian kong sinagot iyon habang nananatiling nakaupo sa tabi ni ashong. ”Bakit nariyan ka?” its that calix first question, sumandal ako bago sumagot. ”Kasama ko si trixie rito, puntahan mo ako..” ”Okay, Im on my way..” binaba niya ang tawag, napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang mga ilang messages ni calix na hindi ko nabasa. ”Anong relasyon niyo ni calix?” i glanced at ashong who sitting beside me, nagulat ako at nanlaki ang mata sa lapit namin sa isat isa, maging siya ay hindi inaasahang ganon ang kalalabasan ng paglingon ko, lumunok siya at umayos ng upo, ganon rin ako bago mag-iwas ng tingin. ”Bakit mukhang interesado ka sa kung anong meron kami ni calix?” ”Do im look like interested?” nilingon ko siyang muli. ”Hindi mo naman aalamin kung hindi d'ba?” Umirap siya at ngumisi. ”Nagtatanong lang naman ako, kuryos ako kung boyfriend mo ba s'ya..” ”Edi sinabi mo ring interesado kang malaman..” ”If you dont want to answer me stop making another conclussion!” ”Bakit nagagalit ka?” ”Im not mad, dont talk to me!” sumandal muli ito sa upuan, sakto rin ang pagdating ni trixie habang nagtitipa sa kanyang cellphone. ”Tumawag si mommy, she's checking if im home..” Pansin ko ang pagtango ni ashong. ”Are you okay if i stayed here with you?” ”Huh?” ”Its okay if you won't, aalis na rin ako pag-alis ni winter..” Lumabi si trixie bago maupo sa tabi ni ashong. ”Hindi pa kasi ako pweding magpapasok ng lalake rito, lalo na kung wala akong kasama, pasensya na..” ”Ayos lang..” Nag ngitian sila, hindi ko alam na kung totoong gusto ni ashong itong pinsan ko, hindi kaya dahil maganda lamang si trixie kaya nagustuhan niya ito? O baka di kaya naman ay dahil sexy 'to. Napapaisip pa ako kung kayang magtagal ni ashong bilang manliligaw, baka hindi pa man umabot ang pasko ay sumuko na s'ya dahil hindi agad nito napasagot si trixie. Nakangisi ako at nailing, sa paningin ko'y napaka-play boy ni ashong. Gwapo nga siya, inaamin kong maganda s'yang lalake at madali itong makasungkit ng babae. Maputi, maganda ang katawan, matangkad at gwapo nga. Ngunit ang kagandahang panlabas anyo nito ay hindi nagtutugma sa ugali niya. Sanggano. Tumunog ang cellphone ko hudyat na narito si calix, tama nga ako. Si calix ang tumatawag kayat tumayo ako at lumabas ng bahay, naabutan ko s'yang nakatayo sa tapat ng kanyang kotse bago ko ito lapitan. Kunot ang noo nito, mukhang bad mood yata bigla. ”Philip is here right?” tinuro nito ang kotseng gamit ni philip, tumango ako. ”Narito nga s'ya..” ”Why are you with him again?” ”Nagkaayos na kami, cal..” nagkaroon ng matinding gitla sa noo nito, hindi makapaniwala kung ano ang sinabi ko. ”Nagkaayos?” ”Oo, nagkasundo na kami, kakalimutan na namin kung ano ang nangyari sa nakaraan..” ”Are you kidding me?” salubong ang kanyang kilay. ”Ganun na lang 'yon?” ”Humingi na siya ng tawad, ayos na kami, h'wag mo na sanang buksan pa iyon..” tumuwid s'ya ng tayo bago magpakawala ng buntong hininga. Hindi ko nais ipaalam sa kanya ang tungkol sa ginawa ni ashong, alam kong magagalit siya ng todo sa oras na malaman niya pa iyon, at saka. Ayoko ng magkaroon pa ng gulo, seryoso man si ashong o nagbibiro sa nais nitong mangyari ay hindi ko na iyon pakikialaman pa, kung nais niya kaming magkasundo hindi na ako tututol. ”Ano bang sinabi niya sa'yo?” ”Wala siyang sinabi..” huminga ako ng malalim. ”Desisyon kong tapusin lahat kung ano man ang pagtatalo namin, ayoko ng magkaroon ng kaaway at sapat na saking humingin s'ya ng paumanhin..” Nakatitig sa akin si calix ay kita ko ang malaking pagtutol sa kanyang mata, ngunit dahil biglaan ang paglabas nila ashong at trixie ay hindi na ito nakapag-bigay sagot sa sinabi ko. ”Aalis na kayo?” trixie suddenly bump our conversation, tumango ako. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang mariing titig ni ashong sakin bago kay calix. Problema n'ya? ”May dinner kami sa bahay nila..” ani ko, hindi na nais pansinin pa si ashong. ”Kayo lang dalawa?” ashong asked out of the blue, tumaas ang kilay ko at hindi sya sinagot, si calix ang humirit bago ako nito akbayan. ”Mauuna na kami..” nagpaalam siya kay trixie, ngunit mapilit si ashong at nais pa yatang maging extra ngayong gabi. ”Wait, Im going to send her home, ako ang nagpaalam sa kanyang lola.” Pinangunutan ko siya ng noo. ”Nagpaalam ka nga, ngunit may lakad kami ni calix, alam iyon ni lola..” hindi na siya nakasagot pa, pansin ko ang pagsulyap ni trixie kay ashong dahilan upang umayos s'ya. ”Ayoko lang naman pag-isipan akong masama ni lola perla, siguraduhin mo lang na hindi ako masasabit sa oras na umuwi siya ng dis-oras..” ”Alam ko ang ginagawa ko, falcon. Hindi mo ako kailangan diktahan..” hinawakan ko ang siko ni calix dahil sa tono ng pananalita niya. ”Tara na..” ”Gusto pa yatang upakan ko e..” bumulong si calix ngunit pinagtulakan ko na siya sa kotse, bago ako sumakay ay nginitian ko si trixie. ”Thankyou sa miryenda..” ani ko. Ngumiti siya ”Its ok, next time..” tumango lamang ako bago sulyapan si ashong. Kunot na kunot ang noo niya sa hindi ko malamang dahilan, ngunit kalaunan ay umismid ito at nagpaalam kay trixie na mauuna na. Nauna pa siyang lumisan sa amin na may mabilis na pagpapatakbo ng kanyang kotse **** to be continued.. Hello, goodevening. Sana okay lang kayo diyan, enjoy sana kayo sa pagbabasa. hindi sana kayo maiinip sa mga eksena❤️ Book 1 palang tayo, may book 2 po ang story nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD