Winter Pov. (Selos) Naging marahan ang paglalakad ni calix ng makitang may tao sa sala. Isinira niya ang pinto habang minamataan sila trixie at ashong. Bakas ang pagtataka rito bago siya lumapit sakin, na kay ashong pa rin ang tingin nito na gaya niya ay nakatingin rin sa kanya. Kunot ang noo ni ashong na halatang hindi nagustuhan ang pagsulpot ni calix. Hindi maganda ang pagtitig nito ngunit naputol iyon ng batiin ni trixie si calix. ”GoodMorning, calix. Ang aga mo..” lumipat ang tingin ni calix kay trixie, pansin ko ang pilit niyang ngiti bago sagutin ang pinsan ko. ”Gusto ko lang bisitahin si winter” ”Wow, ang sweet mo naman pala.” ngumiti lamang si calix sa sinabi ni trixie. Ngunit ng mapansin niya ang dalang bulaklak ay agad kuminang ang kanyang mata. ”Saan mo nabili ang mga bu

