Winter Pov. (Pagka-ilang) Naglalakasang tunog ng mga kotse ang nagbibigay ingay sa maalwalas na paligid kung saan idaraos ang unang laban ngayong gabi. Maraming mga kabataang nadalo at nais mapanood ang nasabing patimpalak. Napag-alaman kong nasa limang taon na itong car race na ito. Itinayo ito ng mga grupong gangster noon ngunit naipasa sa ibang grupo dahil na rin hindi naging patok sa mga kabataan. Ngunit nitong mga nakaraang taon ay naging mas mabenta ito sa mga kalalakihan, nabibilang na roon si ashong na ngayon ay sinusuri ng mabuti ang kanyang kotse. Kunot ang kanyang noo habang sinisipat ang gulong, matapos iyon ay umikot siya at sa isang gulong muling tumungo. Napalunok ako bigla sa sitwasyong ito, nakaupo ako sa mahabang upuang bakal na umaabot ng limang baitang. Nasa ikal

