Chapter Two
"Kuya!"
"Jennica.”
Pumasok na rin sa office si Kuya sa wakas. Bakit hindi niya kasunod si Thomas?
Medyo salubong ang kilay niya. But I know not that he's happy to see me.
"Kanina ka pa?"
"Medyo."
"What did you do to Thomas?"
Napakunot-noo ako.
"What do you mean?"
"He was very red in the face nang makasalubong ko siya.”
"Oh," I grinned."Parang hinalikan ko lang naman siya,eh.”
"You what?!" react ni Kuya.
"Relax, Kuya. Sa cheek lang naman,eh. A thank you-kiss ba. Tinulungan niya kasi ako sa Trigo ko, ganu'n.”
"Hindi ka naman nagpapa-cute sa assistant ko, di ba?"
Lumapad ang ngiti ko.
"Treat mo naman ako, o. Nagugutom na kasi ako. Please, Kuya?"
"Tara na nga. Sabay na din tayong umuwi," napailing na sabi ni Kuya at inakbayan ako habang yumakap naman ako sa beywang niya.
Ito talaga ang gusto ko kay Kuya. Sobrang generous, sarap abusuhin. Nyahaha.
"Kuya, si Thomas ba may girlfriend na?" tanong ko habang papalabas na kami ng building.
"Ano'ng malay ko? Ang alam ko lang hindi ka pa pwedeng magboyfriend kasi wala ka pang twenty- one.”
"Kuya naman! Wala naman sa isip ko yang mga ganyan. I just admire Thomas. Simple.”
"Thomas is not your age.”
"Sa ngayon. But when I'm twenty-one, pwede na. Di ba?"
Pinisil ni Kuya ang pisngi ko dahil dun.
"Ouch, Kuya!"
Paghindi ako nagustuhan ni Thomas kasalanan niya talaga!
***
"Imposible namang wala siyang f*******:!" sabi ko matapos ng ilang oras na pagsi-surf ko sa laptop ko.
Ehem, stalking lang din pag may time. Gusto ko kasing magresearch ng basic information about kay Thomas at ang social networking ang agad na pumasok sa isip ko.
Ang kaso napudpod lang ang daliri ko wala akong mahanap na account na may pangalan na Thomas Aguirre at may picture ni Thomas. As in wala talaga! Ano ba naman yun? Psh.
I've never been this interested in a guy before. Usually, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ano, mga lalaki ang interesado sa 'kin. Well, Thomas is an exception obviously. At mababaliw na 'ko kapag hindi ko nalaman birthday man lang niya.
"Ba't ba ang ilap mong lalaki ka? Hay naku. Tss.”
Napatihaya ako sa kama ko.
Thomas, Thomas, Thomas. For an extraordinary guy like him, medyo baduy ang name niya pero yung feeling na damit lang at kayang-kaya niyang dalhin yung name niyang yun, it makes me giggle.
Bukod kay Christian Grey, never pa 'kong kinilig nang ganito sa isang lalaki.
Napapikit ako.
***
Napatingin ako sa paligid ko. Ang daming malalaking punong-kahoy, malalago ang berdeng damuhan at naririnig ko ang lagaslas ng talon sa di kalayuan.
Nasaan ako at bakit iba na ang suot ko? Isang puting off-shoulder dress na maikli at wala akong sapin sa paa, don't tell me diwata ako sa lugar na 'to?
At tsaka bakit mag-isa lang ako? Wala ba 'kong kasama? Ang lungkot naman.
Naglakad-lakad ako.
"Hello, may tao ba diyan?"
Napahawak ako sa malaking puno at sumilip sa kabilang parte ng gubat. Wala akong makita kahit na sino. Naku, pa'no ako uuwi sa 'min nito?
"Huli ka!"
"Ay!"
Nagulat ako nang may humuli sa 'kin sa beywang at isinandal ako sa malaking puno.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”
Nanlaki ang mga mata ko.
"Thomas?"
Hindi ako makapaniwala. Nasa gubat si Thomas kasama 'ko at--at wala siyang damit pang-itaas at may suot lang na puting pants! Katulad ko, nakapaa lang din siya.
Omaygash. Napalunok ako. Ang macho niya at mas gumanda ang mga mata niya sa paningin ko dahil wala siyang suot na salamin.
Nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya kaya wala akong kawala at ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Jennica? Nag-alala ako sa 'yo, alam mo ba?"
"Pasensiya ka na. .ano kasi.. .ahm, kwan.. ."
"Wag ka nang mag-explain.”
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na napunta sa mukha ko and tucked it behind my ear. Then he pinched my chin.
Napalunok ako. Is he going to kiss me?
"You have to wake up now.”
"What?"
"Wag nang matigas ng ulo mo, Jennica. May pasok ka pa.”
Ano bang pinagsasabi ni Thomas? At tsaka hahalikan ba niya ako o hindi? Kainis naman plano pa 'kong bitinin.
"Ayoko pa,eh!"
Halikan mo na kaya muna ako! Grr!
"Jennica!"
***
"Aray!"
Napabalikwas ako ng bangon nang may tumama sa ulo ko.
"Babangon naman pala,eh. Kailangan mo pang batuhin ng unan.”
"Kuya?!"
Badtrip! Panaginip lang pala yon? Argh! Akala ko pa naman mahahalikan ko na si Thomas! Kainis!
"Kung gusto mong sumabay papuntang school bilisan mo na ang pagkilos. Hindi ako pwedeng ma-late.”
"Oo na. Labas na, Kuya. Salamat sa pambabato ng unan. Makakabawi din ako sa'yo.”
"Alright, good girl," tapos lumabas na siya ng kwarto ko.
Makaka-first kiss ko na sana si Thomas kahit sa panaginip lang kaso pinutol pa ni Kuya. Tsk. Spell kontrabida. K. U. Y. A
***
"You take care, Jen," sabi ni Kuya nang huminto na ang kotse sa labas ng gate ng university.
"You, too, Kuya," wala sa mood kong sagot.
"Ano na naman ang problema mo?"
"Wala, Kuya. You just interupted my beautiful dream kanina lang naman!"
"Oh, that dream of yours? Don't tell me you dreamt about Thomas.”
Nag-init ang pisngi ko.
"Bye, Kuya! I love you!" at mabilis na 'kong bumaba ng kotse.
Phew! Mahirap nang malaman ni Kuya. But dreaming about Thomas? Seriously, hindi na yata simple ang crushness na nararamdaman ko para sa kanya. Nyayks. Patay ako dito.
Si Thomas naman kasi,eh. At naalala ko na naman ang panaginip ko. Parang totoo talaga,eh. I was thinking, ganun din kaya siya ka-macho sa labas ng panaginip?
I giggled. Baliw na nga yata ako. Pero sayang talaga at hindi natuloy yung kiss. Si Kuya naman kasi, panira. Edi sana nalaman ko na kung ganu kalambot ang mga labi niya. Di bale, ituloy ko na lang for real. Charot.
***