My Kuya's Assistant
My Kuya's Assistant
Chapter Three
"Jack, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko tatanggapin yan?"
Kainis, ha. Pikon na pikon na talaga ako sa lalaking ito. Nu'ng isang araw, flowers, kahapon, chocolates, ngayon naman stuffed toy! Argh!
"Lagi mo na lang tinatanggihan ang mga binibigay ko sa'yo. Chance lang naman ang hinihingi ko sa'yo, Jen.”
"Jack," sabi ko at napahugot ng malalim na paghinga.", let's just be friends," at pumasok na 'ko ng classroom.
"Ano na naman ang ginawa mo at laglag na naman ang balikat nu'ng tao?" tanong agad sa akin ni Chippy pag-upo ko pa lang.
"Nakakapikon na siya,eh. Ilang beses ko nang sinabi na ayokong magpaligaw kahit na sino tapos sige pa rin siya!"
"Eh ano ba naman kasi ang ayaw mo du'n kay Jack? He's cute, he's cool, and he's famous!"
"Wala. Akong. Pakialam. Basta ayoko sa kanya. Ayoko kahit kanino.”
Si Thomas lang ang gusto ko! Argh!
"Hindi naman siguro magagalit ang Kuya mo basta hindi lang niya malalaman.”
Tuturuan pa 'ko ng baabeng 'tong magsinungaling. Bangasan ko kaya 'to?
"Chippy, Kuya's right. Kapag twenty-one na lang ako magpapakilala ng boyfriend sa kanila. And besides, may naghihintay na sa 'kin," sabi ko at ngumisi.
Nanlaki ang mga mata niya. Ang babaeng ito talaga basta pwedeng pag-chikahan ganu'n lagi ang reaction.
"Really, Jen? OMG! Sino, sino? Ahh!" tili niya.
"Ano ba, quiet ka lang," saway ko naman.
"Ano ang name niya? Mas cool pa ba siya kay Jack at sa mga varsity players dito sa school?"
"Ahm," napaisip ako.
Cool nga ba si Thomas?
"He's not cool, Chippy. He's hot. At tsaka lawyer na siya and he works for our company.”
"Awts so taray!!!"
"Kaya tulungan mo 'kong itaboy lahat ng mga suitors ko. Seloso pa naman yun," sabi ko at napahagikhik kaming dalawa.
Galing ko gumawa ng kwento. Nyahaha.
***
Sketch, sketch, sketch and perfect! Natapos ko na din ang isa sa mga dini-design kong sapatos. Hobby ko na ito. Namana ko daw kay Mom sabi ng mga relatives namin ang galing since renowned shoe designer si Mom mula noon at hanggang ngayon.
Ang plano ko nga kapag g-um-raduate na 'ko ipu-pursue ko itong hobby kong ito as a profession.
Nasa sala ako nang pumasok ang aking hero kasunod ng katulong. Oh, ang saya kong makita siya. Just the sight of him makes my sugar rush. Bakit kaya siya nandito? May iniutos kaya si Kuya sa kanya? Kailan naman kaya siya pupunta dito na ako naman ang ipinunta niya?
In my dreams. Psh.
"Thomas, hi!" I greeted sweetly.
Pero siya? As usual, tipid lang na ngiti ang tugon. Ganu'npaman, hindi iyon nakabawas sa pagkagusto ko sa kanya.
"May iniutos sa'yo si Kuya?"
"Meron," tipid niyang tugon.
Mahal ba ang bawat salita, Thomas? Ang kuripot mo naman! Talunan kita diyan,eh. Makikita mo! Grr!
"Atty., du'n po tayo sa taas," sabi naman ni Manang.
"Excuse us, Miss Jennica.”
"Yeah, sure.”
Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat sila sa taas.
Bakit siya ganyan, no? Parang hindi niya napapansin na ang ganda-ganda ko.
Psh. Isinusumpa ko sa'yo, Thomas Aguirre, gagamitin ko din ang apelyio mo balang araw!
Naputol ang pag-iisip ko nang magring ang cellphone ko. Si Chippy tumatawag. Ano na naman kaya ang pakulo nito?
"Yes, Chippy?" tumayo ako at lumabas.
Doon ako sa may patio sa likurang part ng bahay namin.
Aish. Akala ko naman kung ano na, mangongopya lang pala ng assignment pinahaba pa ang usapan namin. Hindi ko tuloy namalayan na nakaalis na si Thomas ko. Sayang. Hindi man langako nakahabol ng pagpapa-cute.
Binalikan ko na ang sketchpad at ang design na kakatapos ko lang gawin kanina.
Nagulat ako. Nasaan na yon??? Bakit biglang nawala? Naku naman!
"Manang Trining? Huhu," sabi ko nang pumunta ako sa kusina.
"Jen-jen, bakit?"
"Nakita niyo po ba yong design ko sa sala kanina? Do'n ko lang po iniwan yun,eh. Wala na po pagbalik ko.”
"Eh baka naman nandiyan lang, baka nilipad di kaya.”
"Imposible naman po yun," sabi kong napakamot."Nakaipit po sa sketchpad yun,eh.”
"Hanapin mo na lang ulit diyan, anak. Sigurado akong nandiyan lang yan, nakalimutan mo lang.”
Iiling-iling na bumalik ako sa sala. Imposible naman yun, ang bata ko pa para maging makakalimutin.
***
May business dinner daw ang family namin sa family ng mga bagong stockholders mamayang seven.
Psh. Napasimangot ako. Bakit kailangang family pa eh sila lang din naman ang mag-uusap-usap doon? Mapapanisan lang ako ng laway. Ano naman ang alam ko sa negosyo? Ay tae, business nga pala ang course ko. Ahihihi.
Yun ang text sa 'kin ni Kuya kaya pagkagaling ko dito sa school, didiretso na agad ako sa restaurant. Madilim na nang makalabas ako sa classroom.
"Jennica.”
Napatalon ako nang sabayan ako ni Jack sa paglalakad.
"Jack, ano ba ang problema mo? Bakit bigla ka na lang nanggugulat?"
"Jen, mag-usap naman tayo,o.”
"Alam mo, Jack, hindi ko alam kung para saan pa eh hindi na rin naman magbabago ang isip ko. Alin ba sa ayoko ang hindi mo maintindihan?"
Ang kapal din ng fess ng isang 'to, eh, no?
"Jen, gusto talaga kita,eh. Pumayag ka na lang na maging tayo. Pangako, magiging mabuting boyfriend ako sa'yo.”
Mariin akong napapikit. Isa pang hirit at makakatikim ng sapak sa 'kin 'to.
"Umuwi ka na, Jack. Nakikiusap ako sa'yo.”
"Jennica!"
Bigla niya 'kong hinawakan sa braso. Nasa labas na kami ng gate nu'n.
"Jack, bitiwan mo 'ko!"
"Mag-usap nga kasi tayo, Jen!"
"Ayoko nga sa'yo, bakit ba ang kulit-kulit mo?!"
"Gusto nga kasi kita, Jen!"
"Pagsinabing ayaw nu'ng babae, bitiwan mo siya. Kapag nagpumilit ka, pwede kang kasuhan ng Violation of women's rights at pwede kang makulong ng forty-five years, alam mo ba 'yon, bata?"
Nagulat kami ni Jack sa nagsalita. Sino pa ba ang pwedeng magbitiw ng linyang 'yon kung hindi abogado? Oo. Ang tanong ko lang, papaano napunta si Thomas sa school ko?
"Thomas?"
Tinanggal niya ang kamay ni Jack at kinabig ako papunta sa tabi niya.
"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam dito?" matapang na tanong ni Jack.
"That's additional ten years in penalty sa pagkukwestiyon sa isang abogado.”
Nanlaki ang mga mata ni Jack. Nyenye, buti nga sa kanya.
"So if I were you I will keep distant to this lady at not less than fifty meters kung ayaw mong magsuffer ng life sentence. Let's go, Jennica," at hinila niya na 'ko palayo kay Jack.
***