Nag isip ako sa loob ng tatlong araw. Sa loob lang ako ng kwarto walang labas labas at si Daneyel at Mads lang ang nakakapasok sa kwarto na laging may dalang pagkain. Maswerte ako't may mga anak akong maalaga at alam kong alam ni Daneyel na may problema kami ni Ash pero si Mads masyado pang bata para makaintindi sa nangyayari. Kaya isang araw kinausap ko si Daneyel nung pumasok siya dito "Baby.. Mads labas ka muna ha. Mag uusap lang kami ni Kuya." Ani ko sa mahinahong salita kay Mads na nakangiti habang may hawak na unicorn na nilalaro niya. "Opo, Mommy" Magalang na sagot niya at hinalikan ko siya sa noo't labi. "Thank you, baby. I love you." "I love you too" Dun pa lang siya tuluyang lumabas. "Daneyel.. Baby." Panimula ko pero sinimangutan niya ako. "Mommy, how many time do I have to

