Binigay naman ni Ashton ang hinihingi kong space. Nahuhuli ko siyang laging nakatingin sakin pero pag nakikita niyang napapatingin ako sa kanya naiwas siya ng tingin. Ngayon na din namin pupuntahan si Danica para mapag usapan na humihingi kami ng DNA test. Bihis na ako at kasama ko sila Laila at Kaye, nung nalaman nila about sa nangyari at sa plano ko sasama daw sila ng makalbo si Danica. Busy pa rin sa business ang parents namin pero kampi sila sakin, sinusuportahan nila ako kahit wala sila dito. Nandito na kami sa loob ng bahay nila Danica, katulong nila ang nagpatuloy samin. "Ms. Cabral you can't say no, even Mr. Madrid wants a DNA test as a prove." Untag ni Attorney Marquez. "No way. I'm sure that Ashton is the father of my child." Hinawakan niya pa ang braso ni Ash pero hinawi n

