Ivan Ashton's POV Ayaw ko man pumunta kina Danica pero mukang yun din naman ang gusto ni Zea. Alam kong masakit yun sa part niya pero wala akong magagawa sa sinasabi ni Danica na akin ang batang pinagdadala niya. Sigurado naman akong hindi yun akin dahil wala namang nangyari saamin. Oo nagkita kami sa isang bar pero walang nangyari nun kahit lasing ako sigurado ako. Hindi ko lang alam kung bakit niya sinsabing akin ang batang iyon. Maganda na din na ang pa DNA test kami para malaman ang totoo dahil hindi ko kayang intayin pa ang paglabas ng batang iyon para malaman na akin o hindi. Namimiss ko na nga ang aking asawa. Yung paglalambingan namin, pagtulog ng tabi, pag-uusap ng mga naiisip at mga kwento namin sa buong maghapon na nangyari, yung pagiging sweet niya, lahat lahat. Miss na m

