CHAPTER 32

1508 Words

"Saan kayo pupunta?" tanong ng malaking Camazotz na nasa unahan. Naalala ni Steph na ito ang reyna nila. "Hiindi kayo makakatakas." Litaw ang mga pangil nito habang nagsasalita. Amoy din ang mabahong hininga nito na parang amoy ng nabubulok na karne. Inalis ni Steph ang gintong baluting bumabalot sa kaniya at binulungan si Charlie. "Alisin mo ang salamin ko, ngayon na!" Agad na kumilos si Charlie at hinubad ang suot na salamin sa mata ni Steph. "Salamat. Pumikit ka," bulong ni Steph. Sumunod si Charlie sa sinabi niya. Kasalukuyang nakatali pa rin ng kung anong uri ng itim na mahika ang kaniyang mga kamay sa likuran niya. Nangangawit na rin siya. Lumingon ito sa reyna ng mga Camazotz. "Pakawalan n'yo kami at ihatid sa Academy." Tila tulalang yumukod ang Camazotz. "Masusunod." Lumapit it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD