C H A P T E R 3 4: T H E P A P E R NAKAREHISTRO sa mukha ni Ivanna ang takot. Hindi nagawang pansinin ni Bradley ang sinabi nito. Sa halip ay pinukulan niya ng masamang tingin ang mga kabanda. "Y'all know about this?" "No, we ain't!" his bandmates yelled in unison. "Where's the stripper, Ivanna?" Si Paige, salubong din ang kilay. "There is no f*****g way you could get into that f*****g box!" Sumang-ayon rin ang iba pa, habang siya ay sambakol ang mukhang nilingunan ang babae. Napakagat ito sa ibabang labi. Matagal na siyang walang balita rito. Huli niya itong nakita ay noong nagpunta ito sa mansyon—noong gabing nakita sila ni Natalie sa kusina, bagay kung bakit wala siyang ideya kung paano nito nalamang naroon siya. "I kinda sneaked in here when you were all outside," paliwanag

