C H A P T E R 3 5: L E T G O "ALING Lydia!" bulalas ni Natalie nang mabuksan ang pinto. Halos takbuhin ang gate, niyakap niya nang mahigpit ang dating kusinera ng hacienda. Ngayon lamang niya ulit ito nakita mula noong ma-release siya sa facility. "Salamat at nakarating ka," nakangiting aniya, kumalas sa pagkakayakap. "Ikaw pa. Alam mo naman ang ate mo, hindi 'yon papayag nang wala kang kasama rito." Kinuha ng matanda ang isa sa mga bagahe nitong kalalapag pa lamang ng tricycle driver. Ngumiti si Natalie at dinampot ang natitira pang bagahe. "Pasensiya na po kayo, hindi kayo nasundo sa airport. May biglaang lakad 'yong driver nila. Naghatid ng naaning palay sa kiskisan." "Ayos lang, Señorita—Naku! Maryosep kang bata ka, ako na riyan," "Okay lang po. Alam kong napagod kayo sa biya

