"She's in a mental facility in Cubao, Kisses." Blanko lamang ang ekpresyon sa mga mata ng dalaga dahil sa narinig nitong sinabi ni Drake. Napahigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kamay ni Kone na nag-aalala na sa kakaibang kinikilos nito. Magsasalita pa sanang muli si Drake ngunit pinigilan na ito ni Kone. Hinila na lamang nito ang dalaga palapit sa kaniya at mahigpit itong niyakap. Kaagad niya namang naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ni Kisses. Any moment, alam niyang maari na namang mag-hyperventilate ang dalaga dahil sa sobrang stress nito. Pinapakita man ni Kisses sa lahat na nalagpasan na nito ang problemang kinaharap niya noon pero alam ni Kone na isang pagkakamali lang ay maari na namang ma-trigger ang depression ng dalaga. Mukha lang siyang malakas sa unang tingin pero pu

