[Kisses POV] Parang bangungot ang mga narinig kong sinabi ni Drake pero hindi ko din naman maipagkakaila sa sarili kong gusto kong malaman ang lahat ng nangyari sa aking pamilya. How we ended up like this at kung paano napunta sa ganong kalagayan si Mom. "Sorry, ito ang naisip kong gawin natin upang magkaroon ka ng peace of mind. Sabihin mo lang kung ayaw mong ituloy, dimwit." Sambit ni Kone habang hawak ang kamay ko. Napagpasiyahan kasi naming ibalik sa mansyon ang sasakyang ibinigay ng aking ama at balikan din ang lugar kung saan nabuo at nasira ang aming pamilya. Sinabi pa ni Kone na baka makahanap kami ng mahalagang bagay na pwedeng makapagbigay sa'kin ng closure upang tuluyan ko nang maisantabi ang mga nangyari noon at magawa ng walang iniisip na balakid ang plano kong muling maiba

