Chapter 40 Napatingin si Sayah kay Fenris nang marinig ang sinabi ng itim na wizard. Kilala nito si Fenris at base na rin sa ekspresyon ng mukha na ipinapakita ng kaniyang kasama ay mukhang kilala rin nito ang itim na wizard. Gulat ang nakikita niya ngayon sa mukha ni Fenris at ang mga mata nito ay hindi manlang kumukurap habang nakatingin sa itim na wizard sa kanilang harapan. Tinawag niya itong Tayra… “Ang tagal na nating hindi nagkikita, ano ang ginagawa mo dito sa bayan ng riza?” tanong ng itim na wizard kay Fenris. Kung makipag-usap ito kay Fenris ay parang matagal na nitong kilala ang lalake. Nang lingunin niya si Fenris ay nakayuko ito habang ang mga kamay ay nakalahad. Hindi ito tumitingin sa gawi niya at nakakaramdam siya ng kakaiba sa klase ng ipinapakita nito ngayon. “F

