Chapter 39 “A-Anong...” hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig kay Fatima. “Hindi ko maintindihan...” sabi niya sa rito. Biglang lumabas si Wixii at si Fin pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Kaagad niyang naramdaman ang kapangyarihan ng dalawang wynx. “Maaaring nagsasabi siya ng totoo, Sayah, ang kwintas ay may proteksyon, at kung hindi nasugatan si Fatima maaaring isa siya sa pinili ng kwintas na mangalaga rito.” Sabi ni Fin. Humarap si Fin kay Fatima at seryoso ang mukha nito. “Bata, sabihin mo, anong klaseng wizard ang nagbigay sa iyong ama ng kwintas na ito?” tanong ni Fin. Umangat ang mukha ni Fatima at tumingin ito sa kaniya, nakita naman niya na punong-puno ng mga luha ang mukha nito. Nakaramdam siya ng awa ngunit kailangan niyang patigasin ang kaniyang loob sa ngayon dah

